MAS MASAKIT ANG AMBA KAYSA BIGWAS” Ni NOYNOY AQUINO SA MASANG PILIPINO

by BANTAY PILIPINAS Friday, Jul. 09, 2010 at 11:06 PM
bantaypilipinas@yahoo.com 818-749-0272 337 Virgil St, Los Angeles, CA 90004

Mukhang mas masakit ang amba ng Rehimeng US-Aquino III kaysa aktwal na hambalos nito sa sambayanan. Hindi pa man nakakabangon ang masa sa mariing parusa ng nakaraang siyam na taon ng rehimeng US-Arroyo, eto na naman ang bagong rehimeng Aquino II na naghahanda ng panibagong atake sa sambayanan. Kitang kita sa pagpili nito ng mga tao sa military na naghahanda ito ng mabagsik at panibagong opensiba laban sa masang Pilipino. Paano ba, ang bagong hirang na hepe ng AFP na si General David na galling sa NOLCOM ay nagbabanta agad na “wawasakin ang NPA sa loob ng tatlong taon.”

MAS MASAKIT ANG AMBA...
dsc08161-1.jpg, image/jpeg, 2048x1536

BANTAY PILIPINAS
Southern California
Hulyo 08, 2010

“MAS MASAKIT ANG AMBA KAYSA BIGWAS” Ni NOYNOY AQUINO SA MASANG PILIPINO”

Los Angeles- Mukhang mas masakit ang amba ng Rehimeng US-Aquino III kaysa aktwal na hambalos nito sa sambayanan.

Hindi pa man nakakabangon ang masa sa mariing parusa ng nakaraang siyam na taon ng rehimeng US-Arroyo, eto na naman ang bagong rehimeng Aquino II na naghahanda ng panibagong atake sa sambayanan.

Kitang kita sa pagpili nito ng mga tao sa military na naghahanda ito ng mabagsik at panibagong opensiba laban sa masang Pilipino. Paano ba, ang bagong hirang na hepe ng AFP na si General David na galling sa NOLCOM ay nagbabanta agad na “wawasakin ang NPA sa loob ng tatlong taon.”

Pagkatapos, kasabay ng paghirang sa mga dating tao ni Arroyo sa peace panel na makikipagnegosasyon sa NDF at sa MILF, hinirang nito ang mga dating Heneral na sina Cesar Garcia at Triumpo Salazar sa ahensyang paniktik at pangseguridad.

Sila ay mga tapagpatupad ng martial law ni Marcos at ng OPLAN LAMBAT BITAG ang mga batikang heneral na ito. Si Garcia noong panahon ni AMrcos kasama nina Abadillat Lacson at si Salazar sa Marag Valley sa Cordillera. Siguradong ipapatupad na naman nila ang kabisadong kampanyang kontra-insurhensya ng US sa kanayunan.

Pagkakanlong sa mga Mandarambong ni Aquino III

Kahit na sa DFA, pinanatilili ni Aquino III ang mga piling batang heneral ni Arroyo na nasa mga embahada sa labas ng bansa. Ito kaya ay paglalangis ng Aquino III sa military?

At ngayon nakapagtataka na ang mga alipures ni Arroyo na batikan sa pandarambong ay “ handang magboluntaryong” makiipagtulungan kay Aquino III sa mga nakawan sa nakaraang gobyerno. Andyan sina Cito Lorenzo, Jocjoc Bolante at sina Arthur Yap sa Fertilizer Scam. noong panahon ni Arroyo ayaw nilang humarap sa imbestigasyon.

Maging si dating Senador Ramon Magsaysay Jr ay nagduda sa pagiging maluwag ni Aquino III sa mga akusadong ito. Tanong ni Magsaysay: “Dapat bang makitang nakikipagmabutihan si Noynoy sa mga taong sangkot sa pagnanakaw dahil nagbigay ito ng 20 milyon sa kanyang kampanya?”

Ganoon din ang dating pangulong Erap Estrada na nagbulgar sa dating punong mahistrado Hilario Davide Jr na nagtulak para siya mahirang sa Korte Suprema sa tulong ng sulsol ni Lucio Tan.

Mukhang tama si Erap. Paano mo pagtitiwalaan ang hepe ng “Truth Commission” na si Davide ganoong sangkot ito sa mga anomalya at hindi malinis tulad ng pagtatanggol ni Aquino III sa kanya? Maasahan bang lalaban si Davide kay Arroyo na humirang sa kanya sa pwesto?

Mukhang maaga pa lang bistado na ang kartada ni Noynoy Aquino. Pareho din ng inang naging presidente na walang idinulot sa masang Pilipino kundi pangako at pasakit.

******