Panimulang Analisis sa Nakaraang Eleksyon

by BANTAY PILIPINAS Saturday, May. 15, 2010 at 7:56 AM
bantaypilipinas@yahoo.com 818-749-0272 1740 W. Temple St. Los Angeles, Ca 90026

Tapos na eleksyon sa Pilipinas at nagsalita na ang taumbayan! Sa lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza ay hindi binoto ng masa. Sa Isabela, balik pwesto si Grace Padac na tinalo ni Bodjie Dy ng dinatiyang Dy ng Isabela at si Among Ed ay tinalo ng kilalang hweteng queen ng Pampanga na si Lilia Pineda, kumare ni GMA. Nakakalungkot din na ang mga Marcos ay balik-pwesto dahil sumakay sila sa agos na anti-GMA. Maging si Erap na nag-anti-GMA ay sumegunda pa kay Aquino. Ngunit ang mahigit na limang milyong lamang ni Aquino ay napakahirap ng dayain kahit nang COMELEC. Malayong-malayo sa pagdaya ni GMA kay FPJ noong 2004.

Panimulang Analisis ...
2405575911_dc48be5dd6_o.jpg, image/jpeg, 1280x853

BANTAY PILIPINAS
Mayo 14, 2010

Panimulang Analisis sa Nakaraang Eleksyon

ni Jacinto Luna

Tapos na eleksyon sa Pilipinas at nagsalita na ang taumbayan!

Sa lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza ay hindi binoto ng masa.

Sa Isabela, balik pwesto si Grace Padac na tinalo ni Bodjie Dy ng dinatiyang Dy ng Isabela at si Among Ed ay tinalo ng kilalang hweteng queen ng Pampanga na si Lilia Pineda, kumare ni GMA.

Nakakalungkot din na ang mga Marcos ay balik-pwesto dahil sumakay sila sa agos na anti-GMA. Maging si Erap na nag-anti-GMA ay sumegunda pa kay Aquino. Ngunit ang mahigit na limang milyong lamang ni Aquino ay napakahirap ng dayain kahit nang COMELEC. Malayong-malayo sa pagdaya ni GMA kay FPJ noong 2004.

Nakonsolida ang mga dinastiya.

Nakonsolida sa pwesto ang may 100 pampulitikang dinastiya. napalitan ng bago ang mga luma at walang nagbago sa sistema kundi ang mga tao at pangalan. Muling aasa ang bayan sa pagbabago. Gayunman ang damdamin ng bayan, ang agos na anti-GMA ang nanaig tulad ng 1986 elections ng patalsikin ng masa si Marcos.

Habang ang tunay na anti-GMA na sina Maza at Ocampo ay di nakaligtas dahil sa pagsama sa barkadahang Villar-Marcos. Sino ngayon ang magsasabing madaling makalimot ang masa?

Napakahirap kasing ipaliwanag kung bakit kasama sina Maza at Ocampo kay Villar at kay Marcos sa iisang entablado ngayong kilalang mangugulimbat at korupt ng mga ito. Hindi nanalo kahit sa mga kilalang balwarte ng kilusan tulad ng Davao at Manila ang NP-MAKABAYAN.

Kailangang Magtuwid ang Kaliwa sa kanang tendensya

Lampaso ang inabot ng legal na demokratikong kilusan. Ayon sa pinakahuling bilang No. 24 si Liza Maza at No. 26 si Satur Ocampo. Bumaba din ang BAYAN MUNA sa sa No. 7 at ang GWP sa No. 5 at inaantabayan pa natin ang resulta sa partu list na nababoy dahil sa pakikialam ni GMA.

Dapat sibakin ang mga arkitekto ng alyansa kay Villar at ng demokratikong kilusan.

Dapat na magtuwid ang legal na demokratikong kaliwa! Di lamang sila dapat magpuna kundi dapat silang patalaksin sa kilusan. Hindi na nila madama ang damdamin ng masa at kontra-agos sila sa nais ng taumbayan!

Kailan kaya matututo ang kaliwa sa kanilang pagkakamali?

Ito ang panahon. Sabi ng ABS-CBN: ITO ANG SIMULA!