DEBATE SA PTOWN TAGUMPAY!

by BANTAY PILIPINAS Friday, Apr. 23, 2010 at 12:40 PM
bantaypilinas@yahoo.com 818-749-0272 1740 W. Temple St. Los Angeles, Ca 90026

Kung may napatunayan ang BANTAY PILIPINAS: ito ay ang pagkakaisa ng Filipino American community sa paghahangad ng tunay at makabuluhang pagabago sa ating bansa. Noong gabi ng Abril 21, sa KAPISTAHAN Grill sa Historic Filipinotown sa pusod ng Los Angeles, nagtipon ang maraming tao para dingin at saksihan ang DEBATE sa PTOWN at sa loob ng halos dalawang oras, natigib ng sigla, palakpakan at masigabong talakayan ang KAPISTAHAN. Nagsagutan at magalang na nagtunggali sina, Jay Valencia at Linda Cross ng Villanueva camp, Terry Herrera ng Aquino campaign (na pumalit kay Manny Lopez na hindi nakarating sa debate) , Bobby Reyes ng Villar-Legarda at Eliseo Art Silva ng Teodoro at Errol Santos ng Binay for vice president groups sa loob ng isa at kalahating oras na palitang kuro at plataporma kung bakit karapatdapat ang kanilang kandidatong maihalal sa Mayo 10.

BANTAY PILIPINAS

Abril 22, 2010

Los Angeles

PANAWAGAN



DEBATE SA PTOWN TAGUMPAY!

Los Angeles ---Kung may napatunayan ang BANTAY PILIPINAS: ito ay ang pagkakaisa ng Filipino American community sa paghahangad ng tunay at makabuluhang pagabago sa ating bansa.

Noong gabi ng Abril 21, sa KAPISTAHAN Grill sa Historic Filipinotown sa pusod ng Los Angeles, nagtipon ang maraming tao para dingin at saksihan ang DEBATE sa PTOWN at sa loob ng halos dalawang oras, natigib ng sigla, palakpakan at masigabong talakayan ang KAPISTAHAN.

Nagsagutan at magalang na nagtunggali sina, Jay Valencia at Linda Cross ng Villanueva camp, Terry Herrera ng Aquino campaign (na pumalit kay Manny Lopez na hindi nakarating sa debate) , Bobby Reyes ng Villar-Legarda at Eliseo Art Silva ng Teodoro at Errol Santos ng Binay for vice president groups sa loob ng isa at kalahating oras na palitang kuro at plataporma kung bakit karapatdapat ang kanilang kandidatong maihalal sa Mayo 10.

Umugong ang masigabong palpakan at masiglang lumahok ang mga tao sa talakayan sa pagbibigay ng mga makabuluhang tanong sa mga kinatawan ng mga kandidato.

SAGOT SA DALAWANG TANONG NG BANTAY.

Magkakaroon ba ng Failure of Elections at Ano ang Mangyayari sa Pilipinas matapos si GMA?

Nagkakaisa silang magkakaroon ng eleksyon bagamat magulo ito at handa ang lahat kung magkakaroon ng failure of elections. Nagkaibaiba lang sila ng mga sagot dahil bawat isa ay isinulong ang galing ng kanilang mga kandidato sa pagharap sa kung ano mang anumalya.

Ipinaliwanag din ni Jerry Esguerra kung ano ang BANTAY PILIPINAS at ang kasaysayan kung bakit itinayo ito.

Ang gabi ay sinimulan ng pambansang awit ng US at Pilipinas ng manunulat na si Romy Borje ng BALITA ang nanguna, samantalang buong husay na gumanap na moderator si Austin Baul ng BANTAY PILIPINAS at Cheryl Zarate. Nagtimekeeper at umalalay din sina Cory Esguerra, Cila Esguerra, Emily Chan at Wendy Natividad.

Dumalo ang iba’t ibang kinatawan ng media at nagbigay ng suporta ang Asian Journal. Sina Errol Santos at Al Garcia ang nagasiwa sa lohistika ng pagtitipon.

Nagpapasalamat ang BANTAY PILIPINAS sa kagandahang loob ng KAPISTAHAN Grill at sa buong HiFi sa Masaya at makabuluhang pagtitipon.

BALOTA O KALSADA ANG MASANG MAGPAPASYA!

Bantay Pilipinas Media Advisory

Los Angeles

bantaypilinas@yahoo.com

Sent on the Sprint® Now Network from my BlackBerry®

Original: DEBATE SA PTOWN TAGUMPAY!