Labanan sa Umpisa ng Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010,Tumitindi.

by Echo Park Community Coalition (EPCC) Monday, Feb. 08, 2010 at 6:44 AM
epccla02@yahoo.com 818-749-0272 1740 W. Temple St. Los Angeles, Ca 90026

Ayon sa mga pinakahuling balita, tabla ang labanang Villar-Aquino sa mga survey. Ayon naman sa isang political analyst sa internet na si Doy Cinco higit na mainit ito sa Metro Manila. Malamang na magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan. “ Ayon kay Cinco, “ Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon). Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa

EPCC News
Pebrero 6, 2010

Labanan sa Umpisa ng Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010,Tumitindi.

Los Angeles—Ayon sa mga pinakahuling balita, tabla ang labanang Villar-Aquino sa mga survey. Ayon naman sa isang political analyst sa internet na si Doy Cinco higit na mainit ito sa Metro Manila.

Malamang na magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan. “

Ayon kay Cinco, “ Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon).

Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa

Bagamat relatibong mataas ang kamulatan at bilang ng middle class, pagdating sa local politics, hindi ito gaanong nalalayo sa sistemang padrino, political clan at dinastiyang larawan ng pulitika sa buong kapuluan.”

Villar vs ABS-CBN?

Sinasabing ang resulta ng local na eleksyon ay may epekto sa pambansang eleksyon pero hindi ito totoo sa kasalukuyan sa Metro Manila. Ayon din kay Cinco, diumano na may mataas ang awareness level ni Noynoy kung ikukumpara kay Manny Villar. Kaya lang, dahil sa perahan ang labanan, malamang makalapit si Villar. Consistent na 35-45 % si Noynoy Aquino sa mga survey.

Sa layuning makadikit kay Noynoy Aquino, umaatikabong ropaganda ang inilulunsad ni Villar. Gumastos na diumano ito ng mahigit sa P 500 milyong piso.

Sa kabilang banda, ang ABS-CBN naman ay umaarangkada sa pagpapalabas ng MKK para sa mga Aquino. Liban pa ito sa pangangampanya ni Kris Aquino at ng kanyang mga kaibigang artista.

Dahil kulelat sa labanan (survey), ang preferencial vote para sa administration candidate Gibo Teodoro at iba pang talunang presidentiable ay maaring mag-swing kay Noynoy Aquino. Kung hindi magbabago ang timplada ng advocacy at IMAHENG ipinapakita ni Manny Villar, walang dudang magsu-swing ang mga botante kay Noynoy Aquino.

Malaki ang tsansang makopong ni Noynoy Aquino ang QC, MANILA , CALOOCAN-Malabon, MAKATI, Muntinglupa.

Ayon kay Cinco lalamang naman ng malaki si Manny Villar sa Las Pinas, Pasig, Valenzuela at ilang maliliit na lunsod. Relatibong may pagbabago ng terrain, ang laki ng bilang ng kabataan, topograpiya ng mga botante at salik ng Poll Automation, kaya lang, hindi siya garantiya sa inaasam-asam na antas ng political maturity ng mamamayang botante.)

Dinastiyang Pampulitika, Makonkonsolida.

Marami sa incumbent Mayor at Congressmen, last termer or graduated na sa posisyon ay magreregudon o hahalinhan ng kani-kanilang anak, kung di man ng kanilang asawa't mga kaanak. Dahil sa control ng resources, llamado o nakalalamang ang mga incumbent.

Marami sa kanila ang mag-extend lamang at tatapusin ang tatlong termino sa posisyon. May mga traditional at makabagong pulitikong angkan ang bumabalik, ang Asistio-Malonzo ng Caloocan, Mel Mathay at Mike Defensor ng QC at mga show biz personalities na umaasang mailuluklok sa kapangyarihan. Sa Maynila, malakas pa rin si Lim na sumapi sa Partido Liberal.

Ang mga ka-anak ng mga kandidatong tulad ni Mayor Jojo Binay ng Makati (tatakbong Bise Presidente), Sonny Belmonte ng QC, Bernabe ng Paranaque, Oreta ng Malabon, Gatchalian-Valenzuela at Tobby Tiangco ng Navotas ay walang dudang maipupwesto at mananalo.

Mahihirapang gibain ang kaharian ng mga Gatchalian, Eusebio ng Pasig, Tinga ng Muntinglupa, Fernando ng Marikina, Abalos at Gonzales ng Mandaluyong, Ejercito-Estrada ng San Juan at Villar ng Las Pinas.

Tunay na naghahari sa Pilipinas ang mga dunastiyang pampuilitika. Kung sa mga probinsya ito may anyong warlordismo, sa Kamaynilaan magkakahugis ito sa labanan sa media at propagaganda ganoon makinarya sa mga lokay na sangay ( ward leaders) na maglalakad sa kani-kanilang mga kandidato

Sa huli- pera at makinarya pa rin ang mananalo.

*************