PARUSAHAN ANG MGA AMPATUAN: UTAK NG MASAKER SA MAGUINDANAO

by Pesante-USA Sunday, Nov. 29, 2009 at 12:38 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Kung gaano kabilis magpaaresto si GMA sa kanyang mga kalaban, gaanong kabagal naman at kaingat siya sa pagprotekta sa katulad na warlord na si Ampatuan na gumawa ng karumaldumal na masaker sa Magunidanao. Ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles, nakapangngangalit ang pahayag na GMA na “ kaibigan pa rin niya ang mga Ampatuan” kaya ganong kaingat sila sa pagprotekta dito. Ayon sa mga balita umabot na sa 67 ang nahukay na bangkay kabilang ang 22 babae na kanilang ginahsa bago pinatay, 30 mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.

PARUSAHAN ANG MGA AM...
dsc_0070.jpg, image/jpeg, 3008x2000

PESANTE-USA
Contact; Melvin Barcenas
Phone; (213) 241-0906
Los Angeles
November 28, 2009

PARUSAHAN ANG MGA AMPATUAN: UTAK NG MASAKER SA MAGUINDANAO

Los Angeles— Kung gaano kabilis magpaaresto si GMA sa kanyang mga kalaban, gaanong kabagal naman at kaingat siya sa pagprotekta sa katulad na warlord na si Ampatuan na gumawa ng karumaldumal na masaker sa Magunidanao.

Ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles, nakapangngangalit ang pahayag na GMA na “ kaibigan pa rin niya ang mga Ampatuan” kaya ganong kaingat sila sa pagprotekta dito.

Ayon sa mga balita umabot na sa 67 ang nahukay na bangkay kabilang ang 22 babae na kanilang ginahsa bago pinatay, 30 mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.

Walang salitang makakapaglarawan sa nakakasusulasok na krimeng ito laban sa sangkatauhan.

Madugong Rekord sa Paglaban sa Karapatang Pantao ng US-Arroyo.

Dapat lamang managot ang Imperyalismong US sa paglaganap ng warlordismo at mga pampulitikang dinastiyang pampulitika tulad ng mga Arroyo, Ampatuan atbp sa buong Pilipinas. Tinatangkilik, inaarmasan at sinanay ng US ang mga private armies na ito ng mga warlord laban diumano sa NPA at MILF.

Pinapatunayan lamang ng karumaldumal na krimeng na ito ang palasak na katotohanang buhay ang warlordismo at mga private armies sa Pilipinas lalo na sa Mindanao at umiiral ang batas ng baril sa bayan natin.

Pinatunayan lamang ng masaker na ang AFP at PNP ang pinakamalaking private army sa Pilipinas dahil sa ito ay bulag na sumusunod sa Pangulong GMA at mga alipures nito.

Madugo ang rekord ni GMA dahil sa aabot na sa higit 1, 100 ang napatay na aktibista at may 200 ang nawawala kabilang ang mga kinatawan ng NDF sa usapang pangkapayapaan sa ilalim ng rehimeng ito mula pa noong 2001. Patunay na umiiral ang walang habas na paglabag ng tao sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo!

Marami pang masaker

Alam na alam ng Philippine Peasant Support Network (Pesante-USA) na ang imperyalismong US at nga alipures nitong rehimeng pasistang Arroyo sa masaker sa Maguindanao.

Hanggang naghahari ang malakolonyal at malayudal na sistema magpapatuloy ang mga madugong masaker at patuloy na maaapi ang mga mamamayang Pilipino. Ang Imperyalismong US at ang mga papet na rehimen nito sa Pilipinas ang puno’t dulo ng mga masaker na ito.

Lalo lamang dapat magsumikap ang masang Pilipino na lumaban at hanapin ang katarungan sa harap ng ibayong pangaapi ng sistemang mapaniil at mapagsamantala sa Pilipinas!

PARUSAHAN ANG MGA WARLORDS AT LANSAGIN ANG MGA PRIVATE ARMIES!

*********