PAGPATAY KAT REBELLYN PITA0-SINADYA LABAN SA USAPANG PAGKAPAYAPAAN

by AJLPP Wednesday, Mar. 11, 2009 at 1:11 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Kasabay ng buong lakas na pagkondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) sa papet-pasistang rehimeng US-Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang paniktik nito sa panggahasa at walang awang pagpatay kay Rebelyn Pitao, anak na babae ni NPA Leoncio Pitao- Kumander Parago ng NPA sa Mindanao, nagpapahayag ng pagkabahala ang AJLPP na may bagong balakid sa usapang pangkayapaan . Ayon sa AJLPP: “ Mukhang sinadya ang pagpatay kay Pitao upang sagkaan ang usapang pangkapayapaan na apat na taon nang nahihinto. Kasabay ito ng pagdami ng paglabag sa karapatang pantao ng rehmeng US-Arroyo.

PAGPATAY KAT REBELLY...
dsc_0197.jpgzr8hfk.jpg, image/jpeg, 3008x2000

AJLPP Update

March 10, 2009

Pagpatay kay Rebelyn Pitao- Bagong Balakid sa Usapang Pangkapayapaan.

Los Angeles—Kasabay ng buong lakas na pagkondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) sa papet-pasistang rehimeng US-Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang paniktik nito sa panggahasa at walang awang pagpatay kay Rebelyn Pitao, anak na babae ni NPA Leoncio Pitao- Kumander Parago ng NPA sa Mindanao, nagpapahayag ng pagkabahala ang AJLPP na may bagong balakid sa usapang pangkayapaan .

Ayon sa AJLPP: “ Mukhang sinadya ang pagpatay kay Pitao upang sagkaan ang usapang pangkapayapaan na apat na taon nang nahihinto. Kasabay ito ng pagdami ng paglabag sa karapatang pantao ng rehmeng US-Arroyo.

Si Rebelyn Pitao ay dinukot at walang –awang pinatay matapos gahasain noong 6:30 ng gabi ng Miyerkoles habang pauwi sa kanilang bahay sa Bago Gallera. Ang kanyang bangkay ay natagpuang lumulutang sa ilog ng Carmen, Davao Del Sur may mahigit na 24 oras matapos siyang dukutin ng militar.

Kinondena kapwa ng NDFP at ng MILF ang karumldumal na krimen laban sa mga walang malay na sibilyan ng military. Umaabot na sa may 1,300 aktibista ang pinaslang ng AFP mula pa noong 2001 ng maupo ang pasistang presidenteng si Gloria Arroyo.

Mahigit na 230 aktibista kabilang ang mga consultant ng NDF para sa usapang pangkapayapaan ang nawawala. May mahigit pang 200 pa ang nakakulong at nasa mga piitan ng rehimen hanggang sa kasalukuyan.. Kabilang dito ang mga tagapayo ng NDF at mga aktibistang lumalaban sa rehimeng US-Arroyo.

Ang pagpatay kay Rebelyn Pitao ay dagdag sa mahabang listahan ng utang sa dugo ng Rehimeng U-Arroyo, Ngunit tiyak na sisingilin sila ng bayan sa hinaharap sa kanilang utang sa dugo. Walang utang na hindi pinagbabayaran!

Original: PAGPATAY KAT REBELLYN PITA0-SINADYA LABAN SA USAPANG PAGKAPAYAPAAN