PALAYAIN ANG PALESTINA!

by Kilusang Dekada 70 (KD70) Friday, Jan. 09, 2009 at 9:13 AM
epcc_la@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Mas malalaking ang kilos masa ang magaganap na ipinatawag ng ANSWER-LA sa Sabado, Enero 10 sa Wislhire Westwood.Los Angeles sa harapan ng Federal building sa may 11000 Veteran and Wilshire sa ganap na 12:00 ng tanghali Kasabay ito ng malaking martsa-rali sa Washington DC sa Sabado, Enero 10. Dahil dito, nanawagan ang Kilusang Dekada 70 sa mga aktibistang Pilipino na sumama sa martsa-rali at lumahok para ipakita ang gating pakikipagkaisa sa mga mamamayang Palestino.

PALAYAIN ANG PALESTI...
dsc_0423-1.jpg, image/jpeg, 3008x2000

Pahayag sa Media
Kilusang Dekada 70 (KD70)
Los Angeles
January 8, 20

PALAYAIN ANG PALESTINA! ITIGIL ANG PANANALAKAY IMPERYALISTA-ZIONISTA SA GAZA!

Los Angeles— Mas malalaking ang kilos masa ang magaganap na ipinatawag ng ANSWER-LA sa Sabado, Enero 10 sa Wislhire Westwood.Los Angeles sa harapan ng Federal building sa may 11000 Veteran and Wilshire sa ganap na 12:00 ng tanghali Kasabay ito ng malaking martsa-rali sa Washington DC sa Sabado, Enero 10.

Dahil dito, nanawagan ang Kilusang Dekada 70 sa mga aktibistang Pilipino na sumama sa martsa-rali at lumahok para ipakita ang gating pakikipagkaisa sa mga mamamayang Palestino.

Noon pa mang Dekada 70, buong giting nang inspirasyon ng mga Plipino ang pakikibaka ng mga Palestino laban sa Zionistang Israel. Mula ng agawin ng Israel ang Palestina noong 1948 at palayasin ang mga Palestino sa kanilang lupain, hindi na tumigil ang pananalakay ng mga Imperyalista at Zionista laban sa mga Palestino.

Inspirasyon sa nakikibakang Pilipino ang mga bayaning Fedayeen at mga nakikibakang masa ng Gaza at lahat ng bahagi ng Middle East.

Kilos Masa ng Enero 6 sa LA

Lubos ding ikinararangal ang Kilusang Dekada 70 (DK70) at ng Echo Park Community Coalition (EPCC) ang magigiting na nagprotesta noong Enero 6 ng libu-libong demonstrador sa harap ng konsulada ng Israel sa Wilshire Blvd.

Buong tapang silang lumabas upang suportahan at ipakita ang kanilang pakikipagkaisa sa mga Palestino na ngayon ay inaatake ng Israel sa bayan ng Gaza. Isinigaw nila ang kanilang paninindigan na itigil ang atake sa Gaza at PALAYAIN ANG PALESTINA!

Ito ay sa kabila ng matinding dami ng daang-daang pulis na nakakabayo at nakasakay ng motorsiklo iba pa sa mga platun ng anti-riot na nakaharang sa kalsada. Dahil sa dami ng nagpahayag, isinara ang kalsada ng bandang ika 6;00 ng gabi.

Mabilis na inokupa ang mga demonstrador ang kalye at hindi napigil ng mga maka-Israel na Zionistta na nagmobilisa rin ng kanilang pwersa. Naging mapayapa ang demonstrasyon sa kabila ng panguupat ng mga Zionista sa mga namamahaag.

Ikinatutuwa rin ng KD70 na may mga demosntrasyong pakikipagkaisa sa lahat ng panig ng mundo lalo na sa Pilipinas. Inglatera, Canada at ibang parte ng Estados Unidos. Nauna dito may mga demonstrasyon noong Disyembre 30 at Enero 2 sa mga naturang lugar.

Para karagdagang impormasyon tumawag sa epcc kay Art Garcia sa (213) 909-1419 o mag email sa epcc_la@hotmail.com

INTIFADA! INTIFADA!

MABUHAY ANG INTIFADA!