GMA NG PILIPINAS AT URIBE NG COLOMBIA, PAREHONG PAPET AT PASISTA

by Pesante-USA Sunday, Nov. 30, 2008 at 10:53 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Kamakailan dumalaw sa Colombia si Gloria Macapagal-Arroyo mula sa pagdalo sa APEC meeting sa Peru. Mahalagang suriin ang sanhi ng pagdalaw ni Arroyo sa Colombia. Ito ay sa harap ng lumulubhang suliranin ng paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas at parehong naganap na malubhang labanan sa pagitan ng FARC( pwersang armado rebolusyonaryo ng Colombia) at ng gobyerno ng Colombia at ng NPA/MILF sa Pilipinas. Halos magkapareho ang dalawang pangulo ng dalawang bansa. Si Alvaro Uribe ng Colombia at PGMA ng Pilipinas. Mayroon lamang pagkakaiba ang dalawa sa mga sirkumstansya at kasaysayan ng pagkakaluklok sa kapangyarihan. Ngunit matingkad ang pagkakatulad ng dalawa. Pareho silang pasista at papet ng Imperyalismong Amerikano.

GMA NG PILIPINAS AT ...
img_1078.jpgnciqgq.jpg, image/jpeg, 2816x2112

Pesante NEWS
Nov.29, 2008

Macapagal ng Pilipinas, Uribe ng Colombia: Parehong Papet at Pasista

Los Angeles--Kamakailan dumalaw sa Colombia si Gloria Macapagal-Arroyo mula sa pagdalo sa APEC meeting sa Peru. Mahalagang suriin ang sanhi ng pagdalaw ni Arroyo sa Colombia.

Ito ay sa harap ng lumulubhang suliranin ng paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas at parehong naganap na malubhang labanan sa pagitan ng FARC( pwersang armado rebolusyonaryo ng Colombia) at ng gobyerno ng Colombia at ng NPA/MILF sa Pilipinas.

Halos magkapareho ang dalawang pangulo ng dalawang bansa. Si Alvaro Uribe ng Colombia at PGMA ng Pilipinas. Mayroon lamang pagkakaiba ang dalawa sa mga sirkumstansya at kasaysayan ng pagkakaluklok sa kapangyarihan. Ngunit matingkad ang pagkakatulad ng dalawa. Pareho silang pasista at papet ng Imperyalismong Amerikano.

Uribe ng Colombia

Naluklok si Uribe noong 2002 at manunungkulan hanggang 2010. Nahalal siya matapos ng pagkabigo ng dating pangulong Andres Pastrana ng Colombia na magkaroong kapayapaan at resulta ang usapang pangkapayapaan sa Colombia sa pagitan ng FARC at ng gobyerno.

Masugid siyang sinuportahan ng mga naghaharing uri lalo ng mga konserbatibong panginoong maylupa si Uribe. Isa siya sa bumubuo ng grupong armadong paramilitary na lumalaban sa FARC- ang CONVIVIR.( Ang CONVIVIR ay tulad ng mga "death squads" o mga grupong panatiko o CAFGU sa Pilipinas) na bantog sa pagpatay sa mga magsasaka sa Colombia.

Si Alvaro Uribe katulad ni Arroyo ay nanggaling sa angkan ng mga pulitiko mula sa probinsya ng Antiqua. Ang kanyang ama si Alberto Uribe ay pinatay ng grupong FARC noong 1983. Bago naging presidente, naging Mayor at isang Gobernador si Uribe. Kapareho ni Arroyo siya ay aral sa Amerika, isang abogado na nagtapos sa Harvard University.

Arroyo ng Pilipinas

Si Gloria Arroyo naman ay galing din sa angkan ng mga pulitiko. Anak siya ng Pangulo ng Pilipinas noong 1961-65, Diosdado Macapagal. Nag-aral din siya sa Amerika at isang ekonomista.Katulad ni Uribe, nagsimula din siya bilang isang myembro ng gabinete ni Pangulong Aquino. Nahalal na senador noong 1992 at 1995 at naging pangalawang pangulo siya noong 1998.

Ngunit di tulad ni Uribe na lantarang konserbatibo, nagkunwang makamasa si GMA. Naluklok siya dahil sa People’s Power 2 nang magalsa ang masa Pilipino laban sa korupt na Pangulong Joseph Estrada noong Pebrero 2001.

Ngunit nang maluklok na sa kapangyarihan, lumabas ang tunay na kulay ni PGMA. Mas naging masahol pa siya kay Estrada at kay Marcos sa pagiging gahaman sa kapangyarihan. Noong 2006, nagdeklara siya ng “state of emergency” at magpahanggang ngayon ay mistulang pinaiiral ang hnidi deklaradong batas militar.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno nagmistulang Colombia sa Asya ang Plipinas. Mahigit 1,221 na ang pinapatay na aktibista sa Plipinas mula noong 2001. Mahigit 200 ang nawawala at hindi matagpuan at halos ganitong bilang din ang nakakulong. Halos may 2 milyong mamamayan ang naapektuhan sa nagaganap na gyera sa Mindanao.

Tunay na Sadya- Payo sa Todo Gyera labans a Komunismo

Kapareho ni Uribe, tahasang sinusuportahan ni PGMA ang “gyera laban sa terorismo” ng Amerika. Kaya siya naglulunsad tulad ni Uribe ng todo gyera laban sa NPA at MILF. Si Uribe naman ay todo gyera laban sa FARC.

Hindi nakapagtataka na himingi ng payo si PGMA kay Uribe kung paano pa itodo ang gyera laban sa komunismo dahil ang modelo ng matagumpay na paglaban sa Latin Amerika ay nasa Colombia ayon sa Amerika.

Ngunit dapat malaman ni PGMA na ang rebolusyon ng FARC ang isa sa pinakamatagal at patuloy na sumusulong na armadong pakikibaka sa Timog Amerika. Nagsimula pa ito ng 1960 sa pamumuno ni Andres Marulanda at lumago magpahangang ngayon.

Kahit na ang Colombia ang tumatanggap ng pinakamalking buhos sa tulong miitar mula sa Amerika, hindi nito malupig ang FARC. Kinakailangan pang lusubin ng Colombia ang kalapit na bansang Ecuador para habulin ang FARC.

Mas malamang na pinayuhan ng US si PGMA na magsadya sa Colombia upang humingi ng payo at patalasin ang gyera nito laban sa NPA, gamitin ang usapang pagkapayapaan para ipako ang rebolusyonarong pwersa sa lamesa at ituloy ang todo gyerang atake laban sa NPA at sa MILF.

Ngunit tulad ng FARC sa Colombia bibiguin ng NPA si PGMA dahil lisya at bulok ang pamamahal nito, Tiyak na lulubha ang gyera sa Minanao at tulad ni Estrada, mapapatalsik siya sa kapangyarihan kapag ang masa at ang kilusang makabayan at progresibo sa Pilipinas ay lumakas at lalong magkaisa.