PAHAYAG NG PESANTE-USA SA PLANONG PAGPAPALAYA KAY ROLITO GO

by Pesante-USA Thursday, Oct. 16, 2008 at 8:04 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Saksakan ng kawalang walang budhi at sadyang maiitim ang buto. Kung mailalarawan lamang ng mga salitang ito ang mga kagagawan ng rehimeng Arroyo, marahil sasapat na sabihin kung gaano kasama ang ginagawa ng rehimen sa mga mamamayan nito. Baka parang asin na natunaw na sila kung sila ay may kahihiyan. Sukdulan na ang pagiging walanghiya ang rehimen. Matapos bigyan ng patawad ang mga nagkasalang kriminal tulad nina Manero, Martinez , Claudio Teehanke Jr. na walang awang pumatay ng dalawang kabataan noong 1991. At ngayon naman plano diumano ng rehimeng Arroyo na palayain si Rolito Go.

PAHAYAG NG PESANTE-U...
totingaugust2007030.jpg, image/jpeg, 682x511

Pahayag

PAHAYAG NG PESANTE-USA SA PLANONG PAGPAPALAYA KAY ROLITO GO

Los Angeles --Saksakan ng kawalang walang budhi at sadyang maiitim ang buto.

Kung mailalarawan lamang ng mga salitang ito ang mga kagagawan ng rehimeng Arroyo, marahil sasapat na sabihin kung gaano kasama ang ginagawa ng rehimen sa mga mamamayan nito. Baka parang asin na natunaw na sila kung sila ay may kahihiyan.

Sukdulan na ang pagiging walanghiya ang rehimen. Matapos bigyan ng patawad ang mga nagkasalang kriminal tulad nina Manero, Martinez , Claudio Teehanke Jr. na walang awang pumatay ng dalawang kabataan noong 1991. At ngayon naman plano diumano ng rehimeng Arroyo na palayain si Rolito Go.

Kami ay nakikiisa sa pamilya Maguan katulad ng pakikiisa namin sa pamilya Hultman sa Sweden at sa lahat ng Pilipino sa labas ng bansa lalo sa Sweden upang tutulan at batikusin ang lantrang palalong asal ng Pangulong Arroyo na nagpalaya kay Claudio Teehankee Jr at planong pagpapalaya kay Go. .

Isa na naman itong sukdulang kapalaluan at pagmamalabis sa kapangyarihang tatak ng rehimeng US- Gloria Macapagal-Arroyo. Palibhasa, makapal ang mukha, pinalaya ang salarin sa gitna ng gabi at sadyang inilihim sa media. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at umalingasaw ang baho nian Arroyo at ang kanyang tutang si Gonzalez. Sila pa ang matapang na baligtarin ang katotohanan at tahasang magsinungaling at kulapulan ng putik ang pamilya ng biktima.

Matapang ang hiya ng rehimen na pumatay ng may 1,000 aktibista at mandukot ng daan-daang iba pa at ibintang sa iba ang kasalanan.Hanggang sa ngayon, mahigit na ilang daang aktibista ang kanilang ikinukulong sa kanilang mga bilangguan. Ayaw nilang palayin sina Randall Echanis, Elizabeth Principe, Randy Malayao at maraming pang ibang detenidong pulitikal sa ilalim ng rehimen.

Walanghiyang ayaw magibitiw ng pangulo kahit na lantaran siyang isinusuka ng masa. Ito dahil sa hawak niya sa leeg ang military at suportado siya ng Imperyalismong US na tumatangkilik sa kanya. Matapang ang apog nilang balewalain ang mga bintang ng korupsyon at tapalan ng pera ang mga kasangkot para manahimik.

Talagang sasagarin ni GMA ang kawalanghiya at hihirit pa sa pananatili sa pwesto sa ibatibang paraang kanyang magagawa. Walang nalalabi para sa masa kundi lumaban para patalsikin ang pasistang rehimen.

PATALSIKIN ANG REHIMENG –US -ARROYO!

IPAGLABAN ANG KATARUNGAN LABAN SA KAPALALUAN AT KASAMAAN!