Huwag nang buhayin pa ang bangkay - KMU

by AJLPP Thursday, Dec. 20, 2007 at 10:01 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale blvd. Los Angeles, CA 90026

" Huwag nang buhayin pa ang bangkay." Ito ang pagsasalarawang sinabi ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa posisyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na buhayin ang Anti-Subversion Law bilang bahagi ng anti-insurgency campaign ng gobyerno. Inihayag kahapon ni PGMA ang pagsuporta niya sa plano ni Cong. Jose Solis na ibalik ang Anti-subversion Law na pinawalambisa noong 1992.

Huwag nang buhayin pa ang bangkay - KMU

Submitted by KMU on Fri, 2007-12-14 15:29. :: Balita

Sa panukalang ibalik ang Anti-Subversion Law ni Cong. Solis at Malakanyang

Manila---" Huwag nang buhayin pa ang bangkay."

Ito ang pagsasalarawang sinabi ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa posisyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na buhayin ang Anti-Subversion Law bilang bahagi ng anti-insurgency campaign ng gobyerno.

Inihayag kahapon ni PGMA ang pagsuporta niya sa plano ni Cong. Jose Solis na ibalik ang Anti-subversion Law na pinawalambisa noong 1992.

Ayon kay Elmer 'Ka Bong" Labog, tila pagbalik sa stone-age ang nais nila PGMA at Congressman Solis na tumatalikod sa demokrasya at nais ay barbarismo ang maghari sa lipunang Pilipino.

" Tila wala nang pagtatago pa ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtalikod nito sa demokrasya at naisin naman nitong diktadurya ang maghari sa ating bansa. Mas malala pa, ang mga barbarong tulad nila Heneral Hermogenes Esperon at Congressman Solis ang nasusunod sa mga hakbang upang buhayin ang Anti-Subversion Law. Dapat nilang malaman na sa isang bansang pinaghaharian ng demokrasya, kinikilala at iginagalang ang iba't ibang pampulitika at pang-ideolohiyang paniniwala at pinakikinggan din ang karapatan na tumuligsa at pumuna sa gobyerno lalo na kung ang mga programa at patakaran nito ay anti-mamamayan," sabi ni Labog.

Idinagdag pa ng lider-manggagawa na kung talagang itinataguyod ng gubyernong Arroyo ang karapatang pantao sa bansa, gaya ng ipinagmalaki niya sa katatapos niyang European Tour, hindi dapat siyang magpadalos-dalos upang gawing ilegal muli ang pagsapi sa Communist Party of the Philippines (CPP).

" Nasaan na ang ang reconcilitation na ipinagmamalaki ni PGMA sa kanyang katunggali sa pulitika? Nasaan na kagustuhan niyang ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF? Sa planong bubuhayin ang Anti-Subversion Law, itinapon na sa bintana ang lahat ng pagbabalat-kayo ng gubyernong Arroyo na magkaroroon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa. Hindi tama kung gayon na payagan natin ang mga katulad nila PGMA, Heneral Esperon at Congressman Solis na mga utak-pulbura at sumasamba sa giyera at kaguluhan, " diin ni Labog.

Original: Huwag nang buhayin pa ang bangkay - KMU