KAMPANYA NG PAGPATAY SA PILIPINAS, LUMALALA AT NAGPAPATULOY PA.

by AJLPP-USA Friday, Jul. 27, 2007 at 1:52 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Sa kabila ng diumano’y komperensya na ipinatawag ng Korte Suprema para harapin ang usapin ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang , nagpatuloy ang mga magkasunod na pagpatay sa mga lider ng Anakpawis sa Tacloban City at Compostela Valley at iba pang panig ng Mindanao. Ayon sa mga ulat na tinipon ng AJLPP at Pesante-USA, naririto ang mga tala ng mga paglabag sa karapatang pantao at pagpatay ng ginagawa ng AFP:

KAMPANYA NG PAGPATAY SA PILIPINAS, LUMALALA AT NAGPAPATULOY PA.

Manila--- Sa kabila ng diumano’y komperensya na ipinatawag ng Korte Suprema para harapin ang usapin ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang , nagpatuloy ang mga magkasunod na pagpatay sa mga lider ng Anakpawis sa Tacloban City at Compostela Valley at iba pang panig ng Mindanao.

Ayon sa mga ulat na tinipon ng AJLPP at Pesante-USA, naririto ang mga tala ng mga paglabag sa karapatang pantao at pagpatay ng ginagawa ng AFP:

- Hunyo 28. Limang myembor ng CAFGU Lawanlawan, Las Nieves, Agusan del Norte ang minasaker ng mga elemento ng 29th IB/DRC noong Hunyo 28, 2007 at ibinalitang sila ay inambus ng NPA. Ang mga minasaker n CAFGU ay sina Joel Bilayong, Albert Tanyo, Humoc Tinabla, Legal Mansinugdan at Junie Bilayong.

Ayon sa pangyayari, nnong Hunyo 27, nireyd ng mga NPA ang kampo ng CAFGU at 23rd IB sa Lawan-lawan, Las Nieves, Agusan del Norte at sinamsam ang may 14 na armas. Napatay din sa reyd si Sgt. Romeo Eufemia, commander ng kampo. Dahil dito pinatay ng AFP ang limang CAGFU..


Hulyo 20. Pinaslang bandang alas-5:30 ng umaga sa pamilihang bayan ng Tacloban City si Rogelio Picoy, 50, dating myembro ng Anakpawis. Binaril siya nang malapitan ng isa sa apat na armadong lalaki. Tumagos ang bala sa kanyang katawan at tumama rin kay Teresita Tadepa, 70, isang tindera ng isda. Malisyosong pinalalabas ng pulisya na pinatay si Picoy ng kanyang mga dating kasamahan sa militanteng kilusan.

Hulyo 17. Pinatay ng mga berdugo ng rehimeng Arroyo si Charlie Solayao, 51, coordinator ng Anakpawis sa Tacloban City. Si Solayao ay pangalawang tagapangulo rin ng Kadamay at Katig-uban han
Gudti nga Magtirinda sa syudad.

Pinaslang siya bandang ala-1:30 ng madaling araw sa Barangay Naga-Naga habang naghihintay sila ng kanyang asawa ng sasakyan papuntang palengke para bumili ng isdang ilalako. Ayon sa mga saksi, tinigilan ang mag-asawa ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo. Bumaba ang isa sa motorsiklo at binaril nang dalawang beses si Solayao. Tatlong beses pa siyang binaril nang nakahandusay na siya sa kalsada. Nadala pa sa ospital si Solayao subalit namatay siya matapos ang 10 oras.

Hulyo 15. Dinukot si Dominador Villagracia ng mga elemento ng 48th IB sa Barangay Dikapinisan, San Luis, Aurora Province, mga alas-6 ng umaga pagkatapos ng isang engkwentro sa pagitan ng BHB at mga tropa ng 48th IB. Inakusahan siya ng militar na tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Hulyo 7. Pinatay si Alfonso Capiales, 72, habang kapiling ang kanyang pamilya sa loob ng kanyang bahay sa Purok 12, Barangay Magsaysay, Nabunturan, Compostela Valley. Si Capiales ay nagsilbing tagapangulo ng Magsaysay Farmers Association, upisyal ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Nabunturan at municipal coordinator ng Anakpawis.
Bilang pag-abswelto sa AFP ay inilabas naman ng pulisya ang bulaang pahayag na isang impormer ng militar si Capiales na pinaslang umano ng mga Pulang mandirigma. Tatlong araw bago pinatay si Capiales ay ipinatawag siya ng militar dahil inaakusahan siyang kasapi ng BHB.

Hulyo 5. Dinukot sina Dagane Butug, 26, organisador ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Narciso Antigulas, 24, kasapi ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa Barangay Anomar, Surigao City. Ayon sa mga saksi, sakay ang dalawa ng motorsiklo nang bigla silang banggain ng isang kulay berdeng pik-ap. Daglian silang kinuha ng mga armadong lalaki.

Mayo 12. Tinortyur ng mga elemento ng 69th IB si Ricardo Guiao, 41, dating tagapangulo ng Central Luzon Aeta Association at pangulo ng Indigenous People’s Consultative Body. Ipinatawag siya sa himpilan ng 69th IB sa Barangay Planas, Porac, Pampanga at nang nasa loob na siya ay saka sinabi sa kanya na arestado siya dahil kasapi umano siya ng BHB. Pinagsusuntok siya at ilang oras na ginamitan ng water cure.

Tatlong beses din siyang tinutukan ng baril sa ulo kasabay ng pagpipilit na aminin niya ang mga paratang sa kanya. Binantaan din siyang isasalang sa “firing squad” at ipinakita na rin sa kanya ang kanyang paglilibingan.Dahil marami ang nakakaalam sa pagpapatawag sa kanya ng 69th IB, napilitan ang militar na pakawalan siya kinabukasan. Pero bago siya pauwiin ay sapilitan siyang pinapirma ng dokumentong nagsasaad na kasapi siya ng BHB at boluntaryong sumusuko.

Mayo 3. Dalawang Moro ang brutal na tinortyur ng mga elemento ng 6th ID matapos sila akusahang sangkot sa serye ng mga pambobomba sa Mindanao. Inaresto ng mga sundalo sina Thos Ulimpain at Nasser Mendo sa Malingaw, Midsayap, North Cotabato at iligal na idinetine sa hedkwarters ng AFP sa Cotabato City. Hindi pinakain ng mga sundalo ang mga biktima habang iniinteroga nila ang mga ito.

*******