Gunitain ang Ika –20 taon ng Mendiola Masaker ng 1987

by Pesante-USA Sunday, Jan. 21, 2007 at 5:02 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Sa Ika-22 ng Enero, 2007, gugunitain ng komunidad ng Pilipino sa Amerika ng Los Angeles, California sa ilalim ng Pesante-USA at ng Ecumenical Fellowship for Justice and Peace (EFJP) ang ika-20 taon ng masaker sa Mendiola noong Enero 22, 1987. Noong 1987, matapos magdeklara ng 60 araw na tigil-putukan ang NDFP at ang gobyerno noon ni Corazon Aquino, mabilis na pinutol ng AFP ang tigil putukan at usapang pangkapayapapaan ng NDFP at GRP sa pagsupil sa militanteng rali ng mga magsasaka sa daan patungo sa palasyo ng Malacanang kung saan napatay ang 13 magsasaka at nasugatan ang may 150 iba pa.

Gunitain ang Ika –20 taon ng Mendiola Masaker ng 1987: Ibaling ang pagdadalamhati sa Rebolusyonaryong Katapangan.

“ Ang magbuhos ng dugo para sa bayan,
ay kagitingang hindi malilimutan
ang katawang inialay sa lupang mahal,
Mayaman sa aral at kadakilaan “

Sa Ika-22 ng Enero, 2007, gugunitain ng komunidad ng Pilipino sa Amerika ng Los Angeles, California sa ilalim ng Pesante-USA at ng Ecumenical Fellowship for Justice and Peace (EFJP) ang ika-20 taon ng masaker sa Mendiola noong Enero 22, 1987.

Noong 1987, matapos magdeklara ng 60 araw na tigil-putukan ang NDFP at ang gobyerno noon ni Corazon Aquino, mabilis na pinutol ng AFP ang tigil putukan at usapang pangkapayapapaan ng NDFP at GRP sa pagsupil sa militanteng rali ng mga magsasaka sa daan patungo sa palasyo ng Malacanang kung saan napatay ang 13 magsasaka at nasugatan ang may 150 iba pa.

Ang Masaker laban sa Usapang Pangkapayaan, 1987

Ang tunay na pakay ng mga magmamasaker ay ang negotiating panel ng NDFP na nakabase sa National Press Club. Nang mabigo silang abutan ang panel na kabigyan ng abiso ng mga kaibigan sa loob ng AFO, ibinaling ng mga mamamatay tao ang kanilang galit sa mga nagdedemosntrayong magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Nanggaling ang mga ito sa camp-put sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City at nagmartsa patungo sa Malacanang.

Ito ang ikalawang pagkakataon na naganap na masaker sa Mendiola. Ang unang masaker ay naganap noong Enero 30-3, 1970 nang supilin ng mga sundalo ni Marcos ang mga nagraraling estudyante at kabataan laban sa naunang panunupil sa rali para sa isang walang kinikilingang kombesyong konstitusyunal ng 1971.

Sinadya ang masaker para pigilin ang usapang pangkapayapaan at bigyang dahilan ang ubos lakas na pag-atake ng rehimen US-Aquino laban sa rebolusyonaryong kilusan. Mabilis na iwinasiwas ng AFP ang “ espada ng todo-gyera” at umatake sa mga baseng gerilya ng NPA at ng MILF/MNLF sa Mindanao sa ilalim ng OPLAN LAMBAT-BITAG.

Oplan Bantay-Laya 2, Pakana laban sa Kapayapaan at Anti-Mamamayan.

Mahalagang isaisip ang kahalagahan ng paggunita ay nasa loob ng kalagayang walang tigil ang pamamasista ng Rehimeng US-Arroyo at inilulunsad nito ang OPLAN BANTAY-LAYA II laban sa masang Pilipino. Ito ay sa pagpapatuta nito sa imperyalistang Amerikano sa Todo Gyera nito laban sa “terorismo.”

Mula noong 1992, sinimulan ng Pesante ang paggunita sa masaker sa Mendiola sa pamamagitan ng mga aksyong protesta sa konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles o kundi man sa ibang paraan tulad ng mga fora, talakayan at pagtatanghal pangkultura. Nagpatuloy ito at minsan lamang naputol ang paggunita dahil sa pagpapatalsik kay Erap Estrada noong 2001.

Sa taong, ito ang paggunita na may pormang kultural ay mahalaga dahil kasamang gugunitain hindi lamang ang mga bayani ng Mendiola kundi ang mga martir sa pakikibaka na pinsalang ng pasistang rehimeng US-Arroyo na umabot sa mahigit 800 katao. Ito ang bunga ng kampanya ng panunupil ng OPLAN BANTAY LAYA I nina Arroyo at ng Imperyalismong US mula 2001-2006 sa buong Pilipinas.

Ang programa ay gagawin sa Remy’s on Temple, Art Gallery, 2126 W. Temple St. sa Enero 22. 2007 sa ika –7;00 ng gabi sa Historic Filipintown, Los Angeles, CA 90026. Ang programa at tinatangkilik ng Alliance for a Just and Lasting Peace in the Philippines (AJLPP) at ng International ANSWER Coalition.

*************