Privilege Speech of ANAKPAWIS Rep. Rafael Mariano

by Pesante_USA Wednesday, Aug. 16, 2006 at 5:51 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Ang bumabalot na pasistang terror sa buong Gitnang Luzon laluna sa lalawigan ng Nueva Ecija ay hindi senyales na nagtatagumpay ang AFP laban sa NPA. Bagkus, lalo lamang nitong ginigising ang mayaman at makasaysayang militante at rebolusyonaryong tradisyon ng mamamayan ng Gitnang Luzon sa pakikibaka laban sa tiranya, pang-aapi't pambubusabos tulad ng ipinamalas nila sa nakaraan.

PRESS STATEMENT

August 14, 2006



PRIVILEGE SPEECH ON THE MILITARY"S

ENFORCEMENT OF CEDULAS



Anakpawis Rep. Rafael V. Mariano

August 14, 2006



Mr. Speaker, I rise on a question of personal and collective privilege.



Mr. Speaker, my dear colleagues, sa mga nagdaang araw, lubha pong naalarma ang Kinatawang ito sa isang news item sa Philippine Daily Inquirer noong nakaraang Biyernes, Agosto 11, kaugnay nang diumano'y pagkukumahog ng mga residente ng lalawigan ng Nueva Ecija sa pagkuha ng cedula. Ayon po sa ulat at ayon na rin sa mga residente, sila'y napilitang kumuha ng cedula bunga ng labis na takot sa mga militar sa kanilang mga komunidad. Lubha po silang nangangamba't natatakot na kapag sila'y walang maipakitang cedula ay maparusahan sila ng mga militar. Sa news report pong ito Mr. Speaker, mga kapwa ko kinatawan, ay na-quote ang mismong commanding general ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na "Sorry na lang kung may madamay na sibilyan." Mr. Speaker, ito'y tahasang paglapastangan sa karapatan ng mamamayan at paglabag sa international humanitarian law.



[Mr. Speaker, my dear colleagues, in the past few days, this Representative was gravely alarmed by a news item in the Philippine Daily Inquirer this Friday, August 11, in relation to residents in the province of Nueva Ecija who were scrambling to procure “cedulas

Original: Privilege Speech of ANAKPAWIS Rep. Rafael Mariano