Sukdulan sa Langit ang Pagiging Garapal at Pasista ng Rehimeng-US- Arroyo

by Pesante-USA/AJLPP Friday, Jul. 14, 2006 at 6:27 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Sa paghirang sa kanyang masusugid na tagasunod sa military at mga garapal na lumalabag sa karapatang pantao, tuluyan nang inilantad ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagiging papet pasista at teroristang anti-masa. Hindi lamang nito hinirang si Hermogenes Esperon bilang Hepe ng AFP kundi itinaas pa sa ranggo ang mga masusugid na pasista at mamatay-taong sina Heneral Romeo Tolentino ng NOLCOM bilang Hepe ng Philippine Army at Heneral Jovito Palparan mula sa pagiging hepe ng isang dibisyon- 7th ID tungo sa pagiging Hepe ng NOLCOM bago ito magretiro sa Setyembre. Para sa Pesante-USA, senyales ito ng pagiging manhid at walang pakialam ni Arroyo sa mga protesta ng masa at ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao. Rurok ito ng kawalanghiyaan at garapalang pagiging pasistang terorista at anti masa ng rehimen.

Sukdulan sa Langit ang Pagiging Garapal at Pasista ng Rehimeng-US- Arroyo

Los Angeles – Sa paghirang sa kanyang masusugid na tagasunod sa military at mga garapal na lumalabag sa karapatang pantao, tuluyan nang inilantad ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagiging papet pasista at teroristang anti-masa.

Hindi lamang nito hinirang si Hermogenes Esperon bilang Hepe ng AFP kundi itinaas pa sa ranggo ang mga masusugid na pasista at mamatay-taong sina Heneral Romeo Tolentino ng NOLCOM bilang Hepe ng Philippine Army at Heneral Jovito Palparan mula sa pagiging hepe ng isang dibisyon- 7th ID tungo sa pagiging Hepe ng NOLCOM bago ito magretiro sa Setyembre.

Para sa Pesante-USA, masamang senyales ito ng pagiging manhid at walang pakialam ni Arroyo sa mga protesta ng masa at ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao. Rurok ito ng kawalanghiyaan at garapalang pagiging pasistang terorista at anti masa ng rehimen.

Umabot na sa mahigit 700 ang pinaslang sa kanyang paghahari. May 110 na pinatay sa loob lamang ng taong ito liban pa sa mga dinukot, idinetene at nawawala o hindi man lamang makita bagamat ito ay nasa poder ng militar.

Walang pakiaalam ang rehimen kahit umani na ito ng maraming pagkondena mula sa Amnesty International, mula sa samahan ng mga obispo o CBCP at maraming pang organisasyong nagtataguyod ng karapatang pantao sa Pilipinas at ibayong dagat.

Gumagawa ito ng sariling rekod na higitan pa ang pagiging pasistang diktador ni Marcos. Ang kaibhan nga lamang ginawang legal ni Marcos ang kanyang batas militar, si Arroyo nagtatangkang gawing legal ang pagpapairal ng batas militar sa garapal na paraan.

Tulad ni Marcos nakahanda na ang hatol ng masa at ng kasaysayan sa kanyang paghahari. Kung gaano katagal, nasa pagkilos na lamang at mga sirkumstansya ng hinaharap na panahon ang kapasyahan.

Walang kahahatungan ang mga abuso at pagmamalabis ng rehimen laban sa bayan kundi ang humantong sa dapat kasapitan ng lahat ng mga palalo at mapagmalabis—ang basurahan ng kasaysayan!

Patalsikin ang Pasista at Papet na Teroristang Rehimeng Arroyo!