On the Death/Martyrdom of Ilagan Mayor Delfinito Albano

by Pesante-USA Friday, Jun. 30, 2006 at 5:10 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Ave. Los Angeles, CA 90026

Pesante- USA reprinted the Tagalog Statement of the NDFP-Cagayan Valley re the murder of Ilagan Mayor Delfinito Albano who was murdered by unknown assailants in Metro Manila. Ilagan is the provincial capital of Isabela where agrarian or land problems is very grave. Ilaga is also the area where the 11,000 Hacienda San Antonio and Sta Isabel, now the crisis area of land problems in the Philippines is located. Foreign corporations are trying to gran the lands of peasants opening up coal mining and cassava plantations in the traditionally rice and corn lands in the area. Mayor Albano took the side of the lowly peasants that is why he became a marked man. Pesante condoles with the Albano family on the untimely death and martyrdom of one of the servants of the people.

Hinggil sa Pagpaslang kay Ilagan Mayor Delfinito Albano

Nakikiramay at nakikidalamhati ang National Democratic Front-Cagayan Valley sa kapamilya't mga minamahal sa buhay ni Delfinito Albano, ang napaslang na mayor ng Ilagan Isabela. Siya ay naambus kagabi, 11:00 pm. Hunyo 27, 2006 sa Quezon City kung saan mahigit 20 bala ang itinadtad sa kanyang katawan.

Hinggil Sa Pagkakapaslang Kay Mayor Delfinito Albano Ng Ilagan, Isabela

Salvador del Pueblo
Tagapagpahayag
National Democratic Front
Northeastern Luzon
Hunyo 28, 2006


Nakikiramay at nakikidalamhati ang National Democratic Front-Cagayan Valley sa kapamilya't mga minamahal sa buhay ni Delfinito Albano, ang napaslang na mayor ng Ilagan Isabela. Siya ay naambus kagabi, 11:00 pm. Hunyo 27, 2006 sa Quezon City kung saan mahigit 20 bala ang itinadtad sa kanyang katawan.

Si Mayor Albano ay isang tipikal na tradisyonal na politiko, sa katunayan, nabibilang siya sa pamilya ng mga politiko, ang pamilya Albano, na maituturing na isa sa mga matitibay na haligi ng reaksyonaryong rehimen sa Hilagang Luzon magmula pa noong panahon ni Marcos hanggang sa kasalukuyan. Sa kabila nito at ng kanyang ilang kahinaan at pagkukulang, malugod na ipinapaabot ng NDF-HSL ang pagkilala at pagpuri sa pumanaw na mayor - sa pagiging kaibigan at kaisa ng kilusang magsasaka at iba pang demokratikong uri't sector at sa ilang kontribusyon niya sa progresibong kilusan. Nanindigan siya para sa pagtatanggol sa karapatang pantao; itinaguyod ang kalayaan ng mamamayan na magpahayag, maglunsad ng mga pagkilos para sa kanilang kagalingan at mag-organisa.

Habang nasa poder, binigyan niya ng luwag at puwang sa Ilagan ang mga pagkilos ng mamamayan kahimat ito'y mga pagkilos kontra sa mga palisiya't patakaran ng naghaharing rehimen. Kahit sa panahon ng kagipitan at karahasan ng noo'y diktadura ng dinastiya Dy, inalalayan niya ang mga magsasaka sa kanilang pagkilos laban sa coal mining at coal-fired power plant, cassava plantation project at ang foreclosure ng Hacienda San Antonio-Sta. Isabel bagay na ikinagalit ng una at ng armadong puwersa nito na AFP at PNP.

Kaisa rin siya ng mga magsasaka't simbahan sa pagtutol sa paglaganap ng imperyalistang binhi na Bt corn ng Monsanto noong ito ay isinusulong ng Dinastiya Dy, na matalik ding kaibigan ng pamilya Albano. Natatangi siyang mayor na nanindigan na labanan ang GMO sa probinsya ng Isabela. Pinangunahan niya ang pagdeklara niyang GMO-free ang bayan ng Ilagan sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Sangguniang Bayan. Sa kabila ng pagtutol ng SP ay sapilitan pa ring ipinataw ng gubyernong Dy at ni GMA ang patakaran nitong ipalaganap ang mga nakalalasong binhi sa buong probinsya.

Bilang pagtaguyod sa karapatang pantao, itinayo ni Mayor Albano ang isang Human Rights Center, na mahigpit na nakikipagtulungan sa iba pang organisasyon at institusyon na nagtataguyod ng karapatang pantao. Hind ito ikinatuwa ng mga pasistang elemento ng AFP at PNP.

Ipinagtanggol at sinuportahan niya ang panawagan ng kanyang mga constituents na tutulan ang pagtatayo ng CAFGU sa alinmang baryo sa Ilagan. Buo ang suporta niya sa mga sibilyang inabuso ng mga militar sa Sindon Complex at karatig baryo lalo na sa panahon ng kaigtingan ng counter-insurgency operations magmula pa noong Marso 2004 - nagsampa siya ng reklamo sa mga abusadong military na pilit na nagpapasurender sa humigit-kumulang 15 na kabataan sa Sindon Bayabo noong Abril 2004; at sinuportahan din ang pagtutol ng taumbaryo sa pilit na pagtatayo ng kampo rito. Muli, nanggagalaiti sa galit ang mga terorista ng 5th ID.

Inaakusahan din siya ng dating 5th ID Commanding Officer, Gen. Rodolfo Alvarado sa pagkamatay ng kanyang bayaw na druglord at despotikong panginoong maylupa na si Rigor Olalia. Sa katunayan, pinarusahan ng Filomena Asunción Front sa atas ng Hukumang Bayan ng Demokratikong Gubyernong Bayan si Rigor Olalia noong Oktubre 2004 sa salang pamamaslang sa isa sa kanyang mga kasamak sa Sindon Bayabo.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng mamamayan ng Isabela na abot hanggang langit ang ngitngit ng dating gobernador Faustino Dy sa mayor dahil sa pagsuway nito sa ilang mga patakaran niya at sa pagkakalampaso nito sa bayan ng Ilagan na lampas 24,000 boto ang inilamang ng kandidato sa pagka-gobernador na si Grace Padaca, pinakamalaking lamang ito sa buong probinsya. Hindi kayang tanggapin ng dating diktador na gobernador Dy na labis na kinamumuhian siya ng mamamayan ng Ilagan, bagay na si Mayor Albano ang sinisisi nito sa kanyang mapait na pagkatalo sa nasabing bayan.

Dahil sa papel na ginampanan ni Mayor Albano, hindi malayong magbuklod ang mga puwersa ng dating gobernador, ang mga pasistang elemento ng 5th ID at ang pamunuan ng AFP para paslangin si Mayor Albano. Umaalinsunod ito sa nakahanay na patakaran ng Oplan Bantay Laya ng reaksyonaryong rehimen ni GMA na nagtuturing na kaaway ang sinumang kaibigan o sumusuporta sa kilusang magsasaka at iba pang demokratikong puwersa na nagsusulong ng kagalingan at pakinabang ng mamamayan.

Sa ganitong konteksto, mahigpit naming kinokondena ang pinakabagong pagpaslang na ito.