Pagpatay Kay Sotero Llamas, Kagagawan ng Rehimeng US-Arroyo-Pangkating Ermit

by Vener Malabanan Friday, Jun. 02, 2006 at 12:05 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Ave. Los Angeles, CA 90026

Pataksil na pinatay isang grupo ng mamamatay tao si si Sotero Llamas ng Bicol ng walang kalaban-laban. Isang malaking karuwagan na naman sa ngalan ng nagpapatuloy na kampanya ng terorismo ni Gloria Macapagal-Arroyo ang itinalang krimen ng pangkating Ermita-Gonzales-Senga-Lumibao laban sa sambayanan..

Pagpatay Kay Sotero Llamas, Kagagawan ng Rehimeng US-Arroyo-Pangkating Ermita-Gonzales-Senga-Lumibao.

Los Angeles—Pataksil na pinatay isang grupo ng mamamatay tao si si Sotero Llamas ng Bicol ng walang kalaban-laban. Isang malaking karuwagan na naman sa ngalan ng nagpapatuloy na kampanya ng terorismo ni Gloria Macapagal-Arroyo ang itinalang krimen ng pangkating Ermita-Gonzales-Senga-Lumibao laban sa sambayanan..

Ibinibintang na naman ng rehimen at ng militar nito ang pagpatay kay Llamas laban sa NPA at laban sa grupo ng rebeldeng militar sa ilalim ni Gringo Honasan. Kulang na lamang sabihin nilang pinatay ng biktima ang sarili sa kanilang kampanya ng paninira laban sa demokratikong kilusan. ??Sonra na ang kawalang-hiyaan ang rehimeng ito na isinusuka ng taumbayan.

Ang totoo, muling pinapatupad ng grupo sa ilalim ng direksyon ni Heneral Ermita ang kanilang dating madugong planong OPLAN JERICHO- ang kinopyang OPLAN PHOENIX ng CIA sa Byetnam. Sa ilalim ng OPLAN JERICHO mahigit na 200 kilalang progresibong lider ng Partido ng Bayan at ng BAYAN ang pinaslang ng mga death squads ng AFP sa direksyon nina Heneral Ermita. Napaslang sina Atty David Bueno ng Ilocos Norte , Lean Alejandro, Atty. Emmanuel Mendoza ng Sampaloc,Manila, ang anak ni William Claver sa Kalinga, Sam Concencion ng Pampanga. Tinagka ring patayin si Bernabe Buscayno at Dr. Nemesio Prudente ng PCC.

Ngayon, muling binuhay ang grupo ng mga mamamatay taong ito ang OPLAN JERICHO sa layuning padapain ang kilusan at hamunin ang armadong kilusan na gumati para patindihin pa ang pasistang panunupil.Umaasa ang pangkating Ermita-Gonzales-Senga-Lumibao sa paraang ito ay maiipit ang legal na kilusan at maitutulak ang armadong pwersa ng NDF na gumnati para maitaas nila ang antas ng panunupil lalo na sa kalunsuran.

Walang maasahang katarungan sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo. Ang pagpatay kay Sotero Llamas ay kapwa banta at patunay na hindi na makapaghari sa lumang paraan ang rehimeng Arroyo at gagamit ito ng kamay na bakal durugin ang anumang oposisyon laban sa kanyang pangungunyapit sa kapangyarihan.

Ipinahayag ni Vener Malabanan ang pakikiramay ang Pesante-USA sa mga naulila at kaanak ni Ka Teroy. Bilang isang kasama sa First Quarter Storm ng 1970 sa Bicol.

Kahanay na siya ng mga dakilang kasama na nagbuwis ng buhay para sa sambayanan tulad nina Amor Espinas, Francisco Portem, Ruben at Romulo Jallores, Bodjie Jimenes, Cezar Gavanzo, Mayor Johnson So, Dr. Juan Escandor at iba ang martir ng kilusan at mga dakilang anak ng Kabikulan.

Isa si Ka Teroy sa mga nagpundar ng kilusang magsasaka sa Bicol at nagsulong ng armadong pakikibaka sa matagal na panahon. Sa katunayan, isa siya sa mga kasamang nanatili sa kanayunan ng matagal na panahon habang ang ibang mga kasama ay naglagi sa kalunsuran at doon na nanatili, ??“Malaki rin ang naiambag niya sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan mula noon 1986. Katulad ni Ka. Roger, kinatawan ni Ka. Nognog ang NDF sa usapan lalo nang siya ay madakip noong 1995.

Hinding hindi at Malayong-malayo na hangarin ng mga kasama sa pakikibaka ang anumang masama laban kay Ka Teroy. Kaya ang karumaldumal na krimeng ito ay patunay lamang na walang awa ang pasistang rehimeng-Arroyo.

Ang kamatayan ni Ka Teroy bilang ika 605 na biktima ay dugo sa kamay ni Arroyo na kanyang pagbabayaran ng mahal sa hinaharap.

Hunyo 1, 2006