Sistematikong Kampanya ng Terorismo Laban sa Masa, Patunay ng Pasistang Karakter ng Rehime

by Vener Malabanan Wednesday, May. 17, 2006 at 3:34 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Pesante-USA vehemently condemns the US -Arroyo regime's US- trained death squads killings in the Philippines. Pesante-USA holds the US-Arroyo regime responsible for the killings of more than 500 activist since 2001. More than 60 activist were killed since January 2006 up to this time. Party list members of the BAYAN MUNA ( People First) are the prime victims of the death squads rampage.

Pahayag ng Pesante

Sistematikong Kampanya ng Terorismo Laban sa Masa, Patunay ng Pasistang Karakter ng Rehimeng US-Arroyo

Los Angeles – Mariin at mahigpit na kinokondena ng Pesante-USA ang patuloy na sistematikong kampanya ng pagpatay, pagdukot at panggigipit ng AFP, Pulisya at mga ahensyang paniktik ng Rehimeng US-Aroyo laban sa progresibong kilusang demokratiko sa Pilipinas.

Umabot na at malapit nang mahigitan ng Rehimeng US-Arroyo ang mga kampanya ng terorismo ng diktadurang US-Marcos noong huling bahagi ng batas militar at ng Rehimeng Aquino noong 1987-1992 sa tindi at saklaw.

Noong panahon ni Marcos, sa pamumuno nina Col. Abadilla, Col. Aure, General Galido at Major Rodolfo Aguinaldo., sa isang panahon lalo na sa Cagayan Valley, nakapagtala sila ng mahigit na 600 taong pinaslang sa isang yugto. Una, mula noong 1979-81 kung saan may 200 lider masa, alyado at mga aktibista ang kanilang pinaslang at minasaker sa Silangan at Kanlurang Cagayan at noong 1983-85 kung saan may 600 ang kanilang naging biktima at halos laking kalahating probinsya ang kanilang pinalikas.

Sa panahong ito, ang mga kilalang lider masang tulad nina Fr. Pites Bernardo, Fr. Kangleon, Mayor Cesar Climaco, Atty. Alex Orcullo ay ilan lamang sa pinaslang ng mga tagalikida ng rehimeng Marcos na karamihan ay nasa military pa rin.

Noong panahon naman ni Aquino, kabi-kabila ang mga masaker tulad ng sa Dumalneg, Paco Valley, Lupao, Paombong ang naganap. Noong huling hati ng 1987 hanggang 1988, sa probinsya lamang ng Pampanga at sa Metro Manila, may 200 lider aktibista at mga alyado ang pinaslang ng mga grupo ng mga mamamatay taonhg military. Tampok sa mga ito sina Lean Alejandro, Rolando Olalia, Atty. David Bueno ng Ilocos Norte, Atty. Emmanuel Mendoza at marami pang kilalang tao na nakaligtas sa panahon ni Marcos pero nasawi sa ilalim ng nagpapanggap na liberal pero mapang-aping rehimeng US-Aquino.

Ang mga walang awa at lantarang pagpatay sa ilalim ng Rehimeng US-Arroyo ay pawang mga madugong rekord na dapat singilin at hindi papatawarin ng masang kanilang pinakasalahan. Hindi makakaligtas ang Rehimeng US-Arroyo sa responsibilidad nito sa paguutos sa mga karumaldumal na krimen. Maging ang mga tagaplano tulad nina Norberto Gonzales at Raul Gonzales at Heneral Jovito Palparan ay dapat managot sa mga krimeng ito.

Hinding –hindi paniniwalaan ng masa ang kanilang mga kasinungalingan na ang mga kasamahan ng mga napaslang ang may kagagawan sa mga naganap na pagpaslang. Insulto ito sa sakit na dinaramdam ng mga kamag-anakan at mahal sa buhay ng kanilang mga pinaslang. Waring paggagadgad n asin sa sugat, ang mga salitang ito nina Gonzales, Palparan, Heneral Razon sa kanilang mga pakunwang pagiimbestiga ay hindi paniniwalaan ng madla.

Ang kanilang pagmamalaki at pagiging arogante na katulad na pagmamayabang nina Col.Abadilla at Major Aguinaldo ay kakalusing salop ng sambayanan sa tamang panahon. Katulad ng kasabihang walang utang na hindi pinagbabayaran, ang mga dugong hindi natutuyo sa kanilang berdugong mga kamay na namamaslang ay may pagtutuos sa hinarap. Habang tumatagal lalo pang nalanatad ang pasistang karakter ng Rehimeng US-Arroyo. Tulad ng Rehimeng Marcos, magbabayad din ito sa kanilang kasalanan sa hinarap.