fix articles 98168, c. malayong
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ag kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ang kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
Panimulang Analisis sa Nakaraang Eleksyon (tags)
Tapos na eleksyon sa Pilipinas at nagsalita na ang taumbayan! Sa lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza ay hindi binoto ng masa. Sa Isabela, balik pwesto si Grace Padac na tinalo ni Bodjie Dy ng dinatiyang Dy ng Isabela at si Among Ed ay tinalo ng kilalang hweteng queen ng Pampanga na si Lilia Pineda, kumare ni GMA. Nakakalungkot din na ang mga Marcos ay balik-pwesto dahil sumakay sila sa agos na anti-GMA. Maging si Erap na nag-anti-GMA ay sumegunda pa kay Aquino. Ngunit ang mahigit na limang milyong lamang ni Aquino ay napakahirap ng dayain kahit nang COMELEC. Malayong-malayo sa pagdaya ni GMA kay FPJ noong 2004.