fix articles 53864, gyera
US ALIS SA IRAQ, PHILIPPINES AT LAHAT NG DAKO ! (tags)
Sa pagsapit ng ika pitong taon ng pananalakay ng US sa Iraq, ipinapahayag ng Alliance for a Just and Lasting Peace in the Philippines (Alliance Philippines) ang militanteng pagbati at pagpupugay nito sa mga palabang masa ng Iraq, Pilipinas at lahat ng dako ng mundo na lumalaban sa Imperyalismong US at lahat ng pwersang nanakop. Kaisa kaming naninidigan ng lahat ng taong nagmamartsa sa Washington DC sa panawagan:” Mula sa Iraq, Afghanistan hanggang sa Palestina at Pilipinas: “Ang pananakop ay isang Krimen!”
GMA NG PILIPINAS AT URIBE NG COLOMBIA, PAREHONG PAPET AT PASISTA (tags)
Kamakailan dumalaw sa Colombia si Gloria Macapagal-Arroyo mula sa pagdalo sa APEC meeting sa Peru. Mahalagang suriin ang sanhi ng pagdalaw ni Arroyo sa Colombia. Ito ay sa harap ng lumulubhang suliranin ng paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas at parehong naganap na malubhang labanan sa pagitan ng FARC( pwersang armado rebolusyonaryo ng Colombia) at ng gobyerno ng Colombia at ng NPA/MILF sa Pilipinas. Halos magkapareho ang dalawang pangulo ng dalawang bansa. Si Alvaro Uribe ng Colombia at PGMA ng Pilipinas. Mayroon lamang pagkakaiba ang dalawa sa mga sirkumstansya at kasaysayan ng pagkakaluklok sa kapangyarihan. Ngunit matingkad ang pagkakatulad ng dalawa. Pareho silang pasista at papet ng Imperyalismong Amerikano.
Rehimeng US-Arroyo, nanguupat at naghahanda ng Gyera sa Mindanao. (tags)
Patuloy na ipinakikita ng reaksyunaryong gubyerno, laluna ng rehimeng Arroyo, na hindi ito interesadong kamtin ang tunay na kapayapaan para sa mamamayang Moro. Ang tanging interes ng rehimen ay sumuko at magbaba ng armas ang MILF. Sa ngayon todo ang propaganda ng gobyerno kapwa laban sa NPA at sa MILF na ang diumano may sabwatan ang MILF sa Abu Sayaff at sa Jemmayah Islamiya. Anuman ang kahihinatnan ng paghahanda sa gyera ng gobyerno, gumagawa lamang ito ng gulo at sa huli magbabagsak ng mabigat na bato sa sariling paa nito kapag itinodo nito ang gyera laban sa mamamayan ng Mindanao.