fix articles 53577, pilipino amerikano Los Angeles Indymedia : tag : pilipino amerikano

pilipino amerikano

IPAGTANGGOL ANG MGA KARAPATANG PANTAO AT MANINDIGAN PARA SA KAPAYAPAAN (tags)

Matinding kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) ang mabangis na todo-gyera ng rehimeng US-Arroyo laban sa mga mamayang Pilipino sa halos lahat ng dako ng Pilipinas. Ayon sa mga tala mula sa Pilipinas na sinusubaybayan ng AJLPP, lubos na nakababahala para sa alyansang ito na nakabase sa Estados Unidos at sa mga organisasyong pangkarapatang pantao, simbahan at iba pang grupong internasyunalista sa Amerika, ang lalo pang bumabangis na pagsalakay ng rehimeng US-Arroyo sa masang Pilipino sa pagpasok ng 2007. Muli, nanawagan ang AJLPP sa komunidad Pilipino Amerikano sa Estados Unidos at iba pang nasyunalidad na tumulong sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa kapayapaan at pambansang dignidad. Dapat nilang pagibayuhin ang pagkilos para sa kapayapaan at karapatang pantao. Makakaasang mananatiling kaisa ng mamamayang Pilipino ng AJLPP para sa pagkilos tungo sa kapayapaan, pambansang kalayaan at katubusang panlipunan.

BUONG SIGASIG NA LABANAN ANG MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO (tags)

Matinding kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) ang tumitinding mabangis na todo-gyera ng Rehimeng US-Arroyo laban sa mga mamayang Pilipino sa halos lahat ng dako ng Pilipinas. Muli, nanawagan ang AJLPP sa komunidad Pilipino Amerikano sa Estados Unidos at iba pang nasyunalidad na lalo pang paginayuihin ang kanilang pagtulong sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa kapayapaan at pambansang dignidad. Makakaasang mananatiling kaisa ng mamamayang Pilipino ng AJLPP para sa pagkilos tungo sa kapayapaan, pambansang kalayaan at katubusang panlipunan.

Pahayag ng AJLPP-USA Para Nobyembre 30, 2006 (tags)

Buong pagmamalaking ipinagdiriwang natin lalo ng Alyansa para Tunay at Pangmatagalang Kapayapaan sa Pilipinas (AJLPP)-USA ,ang ika 143 taong kaarawan ng dakilang Supremo Andres Bonifacio, ang tagapagtatatag ng Katipunan na tumapos sa mahigit sa 300 daang taong paghahari ng Kolonyalismong Espanya sa Pilipinas, Nobyembre 30, 1863. Eksaktong sa ika 101 taong ng kanyang kaarawan, itinatag naman ang organisasyong Kabataang Makabayan (KM) noong Nobyembre 30, 1964. Kasunod nito, nagtatag din ng iba’t-ibang organisasyong kabataan ang mga estudyante at kabataan at mga nasa komunidad tulad ng Samahang Demokratikong Kabataan (SDK), Katipunan ng Kabataang Demokratiko (KKD), Samahang Molabe (SM), Kamanyang at iba pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Mula noon, nag-iba na ang takbo ng kasaysayan. Mula sa mga maliit na aksyong masa, unti-unti ito ay lumaki at nagiging matutunog na pagkilos. Noong Oktubre 24, 1966 hanggang sa pagsiklab ang welga ng mga guro noong unang hati ng 1969 hanggang sa malakihang mga welgang estudyante na yumanig sa buong Pilipinas. Hanggang sa pumutok ang Sigwa ng Unang Kwarto noong Enero 1970.

ignored tags synonyms top tags bottom tags