fix articles 486630, dating first quarter storm network
BULGAR ANG TUNAY NA SONA: LANSAGIN ANG PASISTANG PAGHAHARI NG REHIMENG US- GMA (tags)
Katulad ng dati, walang pinag-iba ang State of the Nation Address o SONA ni Gloria Mcapagal-Arroyo sa iba pang sona na kanyang tinalumpati sa kanyang bihag na Kongreso. Nagsimula sa “bangkang papel” noong 2001 nagwakas ito sa barkong lumubog na MV Princess ng Sulpico Lines nitong 2008, katulad ng kinasadlakan ng kawawang kalagayan ng bansang Pilipinas: lubog sa utang sa ibang bansa, lubog sa karalitaan, lubog sa pagdarahop, lubog sa pamimighati dahil sa pasistang karahasan ngunit patuloy na lumalaban ang masang Pilipino. Walang malilinlang na malawak sa masa ang palalong si GMA. Sa labas ng Kongreso, nagrali ang galit na mga mamamayan. Sa iba’t ibang parte ng bansa, damang dama ang galit ng pagtutol. Bakit nga ba makikinig ang bayan sa paglulubid ng mga kasinungalingan?