fix articles 400483, senador juan ponce
“Ang bulaan o sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.” Totoo ang kasabihang ito lalo na kung iisipin ang ginawang aklat ni Senador Juan Ponce-Enrile . ang mahigit sa 700 pahinang “Memoirs” para magbangong puri At ikampanya ang sarili at ang anak nitong tumatakbong senador sa susunod na taong eleksyon. May masidhing pagnanais na gumawa ng sariling kasaysayan, ipinasulat pa ni Enrile sa isang dating aktibista na sa akala niya ay may natitira pang bango, kay Nelson Navarro, dating tagapagsalita ng Movement for A Democratic Philippines (MDP) ang kanyang aklat na diumano ay kanyang sinulat ng mahigit sampung taon. Si Navarro din ang sumulat ng aklat tungkol kay Dr. Nemesio Prudente, dating pangulo ng PUP.
ENRILE, TUTA NI MARCOS NOON< GALAMAY NI ARROYO NGAYON (tags)
Para Pesante -USA at sa mga mamayang Pilipino sa Amerika , ang pag-akyat ni Senador Juan Ponce-Enrile bilang Pangulo ng Senado ay pagbabadya ng mga masamang pangitain para sa bayan. Para sa isang tampok na tagapagtanggol at alyado ni Arroyo, ang pagpapalit ng pinuno sa Senado ay hudyat ng mga maniobra sa pulitika lalo na sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno bago mag-2010