fix articles 354098, legazpi city
Walang kinang ang mga medalya ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta sa araw ng kanyang pagretiro (tags)
Tuluyan nang gumuho ang hibang na pangarap ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta na durugin o kahit pahinain man lamang ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol nang magretiro ito bilang kumander ng 9th Infantry Division - Philippine Army nitong Abril 8, 2009. Tulad ng maraming nagretirong upisyal ng AFP at PNP na masugid na nagpatupad ng malupit na kontra-rebolusyonaryong programa ng National Internal Security Plan (NISP) at Oplan Bantay Laya 1 at 2, ginamit lamang na palamuti sa rekord ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta ang umano'y mga tagumpay ng 9th ID-PA laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Bikol. Bigong-bigo ang 9th ID-PA sa pamumuno ni Maj. Gen. Sodusta na madurog kahit isang larangan o yunit ng BHB sa rehiyon, mapadapa ang baseng masa ng kilusan, at mawasak ang ligal at progresibong kilusan ng mamamayan sa kalunsuran. Sa pagpapatupad nito ng Oplan Bantay Laya 2 sa pamamagitan ng Joint Task Force Bicol (JTFB), mga inosenteng sibilyan at mga ligal na aktibista ang nabiktima ng malupit at pasistang paraan ng extra-hudisyal na pamamaslang, pagdukot at pagkawala, tortyur at iba pang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Isang indikasyon ng kabiguang pigilan ang patuloy na pagsulong ng armadong pakikibaka sa rehiyon ang pagkakandarapa ng 9th ID-PA na magbuo ng isa pang brigadang pangkombat at ilang kumpanya ng CAFGU at pagsandal sa kinasasabikang ayudang militar ng tropang US upang palakasin ang kontra-rebolusyonaryong digma laban sa CPP-NPA-NDF sa rehiyon.
AJLPP-USA Congratulates Five Filipino Progressive Party-List Groups for their Electoral V (tags)
CONGRATULATIONS AND KEEP ON SERVING THE PEOPLE!” The Alliance for a Just and Lasting Peace in the Philippines (AJLPP) based in the United States greets the five Philippine progressive party-list groups that declared their victory on Thursday with militant hurrahs! Mario Santos, AJLPP national coordinator said: “ The AJLPP is one with the Filipino people in working for the victory of the party-list groups. AJLPP organizations in the United and other allied groups like GABRIELA –USA fully mobilized their forces to support the party-list groups. We are united with them in their declaration of victory and will maintain vigilance until all votes are counted. The Filipino people have spoken. Their voices are loud and clear. They rejected the corrupt and puppet US-Arroyo regime and wants change! The data from exit polls and the media quick count showed the overwhelming support from the people that the party-list groups got is not only a show of confidence but also a great tribute to those who are until now re missing and the martyrs that have given their lives for democracy and freedom”
Unilateral Ceasefire sa Albay idineklara ng SBC (tags)
Pormal na inililinaw ng Santos Binamera Command ang pagdedeklara ng makaisang panig na tigil putukan sa lalawigan ng Albay. Sa mga panahon ng matitinding kalamidad, palagian nang nagdedeklara ang New People’s Army ng suspensyon ng mga taktikal na opensiba upang bigyang-puwang ang pagsasagawa ng hukbong bayan at mga rebolusyonaryong organisasyong masa ng mga rescue operation. Sa kalagayan ding ito, pinapanawagan ng SBC ang paglahok ng mga organisasyon at mga nagmamalasakit nating kababayan na magbigay-tulong sa mga sinalanta ng bagyo. Unilateral Ceasefire sa Albay idineklara ng SBC