fix articles 354093, national internal security plan
Walang kinang ang mga medalya ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta sa araw ng kanyang pagretiro (tags)
Tuluyan nang gumuho ang hibang na pangarap ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta na durugin o kahit pahinain man lamang ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol nang magretiro ito bilang kumander ng 9th Infantry Division - Philippine Army nitong Abril 8, 2009. Tulad ng maraming nagretirong upisyal ng AFP at PNP na masugid na nagpatupad ng malupit na kontra-rebolusyonaryong programa ng National Internal Security Plan (NISP) at Oplan Bantay Laya 1 at 2, ginamit lamang na palamuti sa rekord ni Maj. Gen. Jeffrey Sodusta ang umano'y mga tagumpay ng 9th ID-PA laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Bikol. Bigong-bigo ang 9th ID-PA sa pamumuno ni Maj. Gen. Sodusta na madurog kahit isang larangan o yunit ng BHB sa rehiyon, mapadapa ang baseng masa ng kilusan, at mawasak ang ligal at progresibong kilusan ng mamamayan sa kalunsuran. Sa pagpapatupad nito ng Oplan Bantay Laya 2 sa pamamagitan ng Joint Task Force Bicol (JTFB), mga inosenteng sibilyan at mga ligal na aktibista ang nabiktima ng malupit at pasistang paraan ng extra-hudisyal na pamamaslang, pagdukot at pagkawala, tortyur at iba pang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Isang indikasyon ng kabiguang pigilan ang patuloy na pagsulong ng armadong pakikibaka sa rehiyon ang pagkakandarapa ng 9th ID-PA na magbuo ng isa pang brigadang pangkombat at ilang kumpanya ng CAFGU at pagsandal sa kinasasabikang ayudang militar ng tropang US upang palakasin ang kontra-rebolusyonaryong digma laban sa CPP-NPA-NDF sa rehiyon.
Bayan Muna member gunned down in Northern Samar (tags)
A member of the party-list group Bayan Muna and chairperson of the Alliance of Concerned Teachers (ACT) in Northern Samar was gunned down late yesterday afternoon by a motorcycle-riding assassin in front of students at the University of Eastern Philippines in Catarman. Professor Jose Maria Cui, also a former secretary general of human rights group Karapatan in the Eastern Visayas, died on the spot after being shot in the head and chest by an unidentified suspect outside the Engineering Building of the campus around 4:15 p.m.