fix articles 26204, zamboanga sibugay
Usapang pangkapayapaan sa MILF (tags)
Panloloko, pagtatraydor at pananabotahe ang ginagawa ng rehimeng Arroyo sa usapang pangkapayapaan nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Kunwa'y nakikipagnegosasyon ito sa MILF pero ang tunay na pakay ng rehimeng Arroyo ay gamitin ang prosesong pangkapayapaan para muling itulak ang pakana nitong charter change o pagbabago ng konstitusyon. Sakaling bumalik sa puspusang paglulunsad ng armadong pakikibaka ang MILF, gagamitin din itong sangkalan ni Arroyo para makapaglunsad ng todo-todong opensibang militar at magpataw ng emergency rule kundiman batas militar.
Pananalanta ng pasistang estado, Nagpapatuloy (tags)
Nagpapatuloy ang pasistang pananalanta ng AFP sa buong Pilipinas. Ayon sa ulat ng AJLPP,walang puknat ang mga pamamaslang at iba pang abusong militar sa bansa. Isang lider magsasaka ang pinaslang sa Masbate at isang lider kabataang Moro ang pinatay sa Zamboanga Sibugay nitong Enero. Patuloy din ang harasment sa mga progresibo at panggigipit sa masang magsasaka sa kanayunan. Ayon pa rin sa ulat mula sa Pilipinas ay nagpapatuloy ang mga pagpataya mga lumalaban sa pamahalaan.
US spy plane could join search for Italian priest In Mindanao (tags)
Manila-- Government troops are hard on the heels of the group who seized an Italian priest from a remote village in Zamboanga Sibugay Sunday. Fr. John Carlo Bossi was seized by armed men in Barangay Bulawan in the town of Payao.
PILIPINAS: Eleksyong 2007: Anong Bago at Anong Luma sa Pandaraya? (tags)
Kaisa ang AJLPP sa pahayag ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na “ Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema”
PILIPINAS: Eleksyong 2007: Bulok sa kaibuturan (tags)
Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema. Pinakamatitingkad ang pandaraya ng kampong Arroyo sa Maguindanao, Sulu at Bohol kung saan nagkaroon ng halos 12-0 resulta ang eleksyon sa pagkasenador pabor sa administrasyon. Sinundan pa ito ng paglilitawan ng 12-0 pabor sa Team Unity sa ilampu pang mga munisipalidad na kontrolado ng mga alipures ni Arroyo.