fix articles 22538, noong mayo
Sa pagtortyur at pagbimbin kay Kasamang Randy Malayao (tags)
Isang patunay muli ng pagiging berdugo at kriminal ng 5th Infantry Division ang nangyaring pagdukot, pagtortyur at patuloy na pagbimbin nila kay Kasamang Randy Malayao. Siya ay gumagampan bilang pampulitikang konsultant ng National Democratic Front-Cagayan Valley sa usapang pangkapayapaan nang di-makatwirang dakpin ng mga pinagsanib na ahente ng 5th Infantry Division at Criminal Investigation and Detection Group.
Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar (tags)
Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.
Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP nais ibagsak ng rehimeng Arroyo (tags)
Lubos na kaisa ang Pesante-USA sa pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Naninidigan ang Pesante-USA bilang isang grupong nagtataguyod ng karapatang-pantao at kapayapaan sa Pilipinas na dapat maging seryoso ang GRP sa pakikipagnegosasyon sa MILF at manghinayang sa mangyayari kung babalik sila sa pang-uupat ng digmaan na kumitil na ng maraming buhay sa nakaraan.
Peace Talks ng MILF at GRP Nais ibagsak ng rehimeng Arroyo (tags)
”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Ito ang pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos mabigo noong Setyembre 7 ang ika-13 exploratory talks (mga usapan para makapaghanap ng kalutasan sa di pagkakasundo) sa pagitan ng mga kinatawan nito at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP).