fix articles 210404, naman
KAMPANYA SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL 2010 LALONG PANG UMIINIT (tags)
Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles. Nabigo ang grupong nais diumano i-“censure” o punahin si NP candidate Manny Villar sa senado na ipasa ang censure resolution nang hindi ito makakuha ng quorum sa nakaraang sesyon ng senado. Mukhang nagboykot ang minorya kaya walang quorum sa huling sesyon ng senado.
LABANANG AQUINO-VILLAR, UMIINIT (tags)
Umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE NEWS sa Maynila at sa Los Angeles. Bumaba naman mula ikalawa pwesto tungo sa ikatlo si brother Eddie na sumegunda kay Gibo Teodoro noong nakaraang Disyembre 2009. Ngayon si Noynoy naman ang naguguna sa facebook. Patunay lamang na ang labanan ay umiinit na rin kahit na sa internet.
PAHAYAG NG PESANTE-USA SA PLANONG PAGPAPALAYA KAY ROLITO GO (tags)
Saksakan ng kawalang walang budhi at sadyang maiitim ang buto. Kung mailalarawan lamang ng mga salitang ito ang mga kagagawan ng rehimeng Arroyo, marahil sasapat na sabihin kung gaano kasama ang ginagawa ng rehimen sa mga mamamayan nito. Baka parang asin na natunaw na sila kung sila ay may kahihiyan. Sukdulan na ang pagiging walanghiya ang rehimen. Matapos bigyan ng patawad ang mga nagkasalang kriminal tulad nina Manero, Martinez , Claudio Teehanke Jr. na walang awang pumatay ng dalawang kabataan noong 1991. At ngayon naman plano diumano ng rehimeng Arroyo na palayain si Rolito Go.
Union president Pinatay sa ambush sa Laguna (tags)
panayam ng PSN kay Arman Albarillo, Secretary General ng Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) -Southern Tagalog ang pagpatay kay Iñoza ay posibleng kagagawan na naman ng gobyerno para supilin ang karapatan ng mga manggagawa. "Ito ay isa na namang uri ng pananakot sa hanay ng mga manggagawa para mapagbigyan ang kagustuhan ng mga dayuhang kapitalista" dagdag pa ni Albarillo.