fix articles 20303, ito ng
Hinggil sa Desisyon ng Korte Supremang Corona laban sa Pangkating Aquino pabor sa pangkat (tags)
Ipinahayag ngayon ng Alliance-Philippines o AJLPP nakabase sa Amerika na ang nakaraang desisyong Korte Supremang Corona na pinili ni GMA na nagbasura sa bisa ng Truth Commission na nilikha ng pangkating Aquino III ay patunay na pinaglalaruan lamang ng kasalukuyang rehimeng Aquino III at ng nakaraang pasistang rehimeng GMA ang masang Pilipino. Sinabi din ng AJLPP na tiyak na gagawing katwiran ng rehimeng Aquino III na “ hindi niya kayang usigin si GMA’ dahil sa utos ito ng batas” at kunwang susunod na batas.Isang tunay na moro-moro at sarswelang dinerekta ng amo niyang Imperyalismong US. Makasaysayang ang araw na ito ng Disyembre 7 dahil ito ay pataksil na salakay ng Hapon laban sa Amerika noong Disyembre 7, 1941 sa Pearl Harbor, Hawaii. Kahalintulad ito ng atake ng Korte Suprema ni Corona sa masang Pilipino.
Sukdulan sa Langit ang Pagiging Garapal at Pasista ng Rehimeng-US- Arroyo (tags)
Sa paghirang sa kanyang masusugid na tagasunod sa military at mga garapal na lumalabag sa karapatang pantao, tuluyan nang inilantad ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagiging papet pasista at teroristang anti-masa. Hindi lamang nito hinirang si Hermogenes Esperon bilang Hepe ng AFP kundi itinaas pa sa ranggo ang mga masusugid na pasista at mamatay-taong sina Heneral Romeo Tolentino ng NOLCOM bilang Hepe ng Philippine Army at Heneral Jovito Palparan mula sa pagiging hepe ng isang dibisyon- 7th ID tungo sa pagiging Hepe ng NOLCOM bago ito magretiro sa Setyembre. Para sa Pesante-USA, senyales ito ng pagiging manhid at walang pakialam ni Arroyo sa mga protesta ng masa at ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao. Rurok ito ng kawalanghiyaan at garapalang pagiging pasistang terorista at anti masa ng rehimen.