fix articles 20201, barangay san jose
Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar (tags)
Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.
PATULOY ANG ATAKE NG REHIMENG-US ARROYO AT AFP SA MASA (tags)
Sa kabila ng pakunwaring mga pahayag ni Gloria Arroyo, walang tigil at di-maawat ang mga pamamaslang, pagdukot, tortyur, iligal na pag-aresto at detensyon at iba pang karumal-dumal na paglabag ng mga armadong galamay ng estado sa karapatang-tao ng mamamayan. Mahigpit na kinokondena at iginigiit ng Pesante-USA na dapat nang matigil ang amahas na pamamasista at terorismo ng estado. Lalo lamang pinagagalit ni GMA ang masa at hinuhukay ang sarili nitong libingan tulad ng nangyari kina Marcos at Estrada. Umabot na sa mahigit 755 ang pinaslang at may 188 ang nawawalang aktibista na hindi matagpuan. Papalubha ang mga paglabag sa karapatang pantao na malapit nang maungusan ni Gloria-Arroyo.ang pagiging garapal na pasista ni Marcos ayon sa Pesante-USA Patuloy Ang Atake ng Rehimeng US-Arroyo at AFP sa Masa: Tumitindi, Paglabag sa Karapatang-Tao