fix articles 20089, sa maynila
Labanan sa Umpisa ng Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010,Tumitindi. (tags)
Ayon sa mga pinakahuling balita, tabla ang labanang Villar-Aquino sa mga survey. Ayon naman sa isang political analyst sa internet na si Doy Cinco higit na mainit ito sa Metro Manila. Malamang na magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan. “ Ayon kay Cinco, “ Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon). Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa
Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar (tags)
Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.
PILIPINAS: Eleksyong 2007: Anong Bago at Anong Luma sa Pandaraya? (tags)
Kaisa ang AJLPP sa pahayag ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na “ Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema”
Sa kabila ng todo-todong pandaraya manipulasyon at pandarahas ng Malacañang a mga instrumento nito, di nagawang burahin an boto ng mamamayan laban sa rehimeng Arroyo Nakapagkamit ng makabuluhang tagumpay ang mg progresibong partido at oposisyon sa halalan s Senado, sa party-list, sa ilang pamahalaang lokal at distritong kongresyunal. Malaking sampal sa rehimeng US-Arroyo ang pangunguna ng mga oposisyunista at mga progresibong grupong party-list sa inisyal na resulta ng mga bilangan. Kahit sa mga balwarte umano ng mga alipures ni Arroyo tulad ng Cebu, Iloilo, Negros Occidental at Eastern Samar ay bigo silang tiyakin ang solidong boto para sa lahat ng kandidato ng Malacañang. Nangunguna sa halalan sa Senado ang nakararaming kandidato ng Genuine Opposition. Kabilang sa 12 na may pinakamataas na boto si dating Ltsg. Antonio Trillanes IV, isa sa mga lider ng pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 at isa rin sa mga pinakamariing tumutuligsa kay Gloria Arroyo. Ito'y sa kabila ng kanyang pagkakakulong ngayon sa Camp Bonifacio, kakulangan ng pera at makinaryang pangampanya.