fix articles 20031, ng afp Los Angeles Indymedia : tag : ng afp

ng afp

BAKBAKAN NG AFP AT MILF, TUMITINDI (tags)

Tumitindi ang bakbakan ng MILF laban sa AFP ganoon din ang iba’t ibang pwersang military tulad ng NPA na lumalaban sa rehimeng US-Arroyo. Ayon sa mga balitaan na nakuha ng PESANTE NEWS, mahigit 15 tropa ng AFP ang napatay at mahigit 38 ang nasugatan sa matinding labanan sa probinsya ng Maguindanao ng maglaban ang mga tropa ng MILF sa ilalim nila Commander Umbra Kato at Bravo laban sa 10th Army division.

KONSULTANT NG NDF ILEGAL NA INARESTO (tags)

Inulat ng balitaan ng PESANTE-USA na iligal na inaresto ng mga militar at pulis ang isang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan. Mahigit na 20 tauhan na ng NDF ang inaaresto ng AFP mula ng matigil ang usapang pangakapayapaan noong 2004. Samantala. wala ring patid ang pagsalbeyds at pagpapahirap ng mga tropa ng AFP sa mga sibilyang pilit na isinasangkot sa armadong kilusang rebolusyonaryo. Ito ang ulat sa iba't ibang bahagi ng bansa na nilikom ng Pesante News.

Kaso ng Masaker Sa Sulu Isasampa ng SBM at MILF sa UN (tags)

- Isasampa ng Suara Bangsamoro o Suara at ng Mor Islamic Liberation Front sa United Nations Huma Rights Council ang karumal-dumal na masaker ng mg elemento ng Special Warfare Group ng Philippine Nav at Light Reaction Company ng Philippine Army sa walong sibilyan sa Ipil, Maimbung, Sulu noong madaling araw ng Pebrero 4. Ito'y matapos absweltuhin ng AFP ang mga sundalong responsable sa masaker. Ayon kay Amira Lidasan, pambansang pangulo ng Suara, hindi kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon ng AFP na nagsasaad na may nangyaring labanan sa pagitan ng militar at mga elemento ng Abu Sayyaf. Wala pa mang imbestigasyon ay idineklara na dati ng AFP na pawang mga elemento o tagakanlong ng Abu Sayyaf ang mga biktima. Inulit lamang ito ng AFP nang ianunsyo nitong Pebrero 28 ng Judge Advocate General's Office ng Western Mindanao Command ang pagkaabswelto ng mga sangkot na sundalo matapos ang sariling imbestigasyong ginawa umano ng militar.

Rehimeng US-Arroyo, nanguupat at naghahanda ng Gyera sa Mindanao. (tags)

Patuloy na ipinakikita ng reaksyunaryong gubyerno, laluna ng rehimeng Arroyo, na hindi ito interesadong kamtin ang tunay na kapayapaan para sa mamamayang Moro. Ang tanging interes ng rehimen ay sumuko at magbaba ng armas ang MILF. Sa ngayon todo ang propaganda ng gobyerno kapwa laban sa NPA at sa MILF na ang diumano may sabwatan ang MILF sa Abu Sayaff at sa Jemmayah Islamiya. Anuman ang kahihinatnan ng paghahanda sa gyera ng gobyerno, gumagawa lamang ito ng gulo at sa huli magbabagsak ng mabigat na bato sa sariling paa nito kapag itinodo nito ang gyera laban sa mamamayan ng Mindanao.

Condemn Political Killings in Central Luzon, Philippines (tags)

Pesante-USA reprinted an interview by Ang Bayan of Salud Roja, a revolutionary leader in Central Luzon. it was printed at the QC Indymedia regarding the political killings in Central Luzon on June 4.

ignored tags synonyms top tags bottom tags