fix articles 20025, niyang
BINATIKOS ANG PAHAYAG NI AQUINO III (tags)
-Ayon sa grupong tagapamalita ng ALLIANCE NEWS na nakabase sa Los Angeles, Ipinahayag ngayon ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na pawang kasinungalingan at panakip-butas ang laman ng talumpati ni Benigno Aquino III sa pagbubukas ng reaksyunaryong kongreso noong Hulyo 25. Pilit niyang pinalalabas na gumaganda na ang kalagayan ng bansa at patuloy ang mga pagbabago. Tinangka niyang ibalik ang tiwala ng mamamayan sa reaksyunaryong gubyerno. Pero sa desperasyon niyang takpan ang katotohanan, lalo lamang niyang ihiniwalay ang kanyang rehimen sa mamamayan. Dinagdagan lamang ni Aquino ang kawalan ng tiwala at pag-asa ng bayan sa naghaharing sistema.
JUSTICE FOR FR. CECILIO LUCERO OF SAMAR (tags)
Nakiisa ang Pesante-USA sa pamilya at mga kaibigan ng pinaslang na tagapagtanggol ng karapatang-tao na si Fr. Cecilio Lucero nang gunitain ang ika-40 araw ng kanyang kamatayan nitong Oktubre 15. Si Fr. Lucero ay pinuno ng Human Rights Desk ng Social Action Center ng dyosesis ng Catarman at tagapangulo ng Task Force on Peace and Order ng Northern Samar Peace and Development Forum (NSPDF). Pinatay siya ng pasistang militar dahil sa matapang at tahasan niyang pagtuligsa sa mga paglabag sa karapatang-tao. May ilang pagkakataong tumulong siya sa pagsasampa o siya mismo ang nagsampa ng mga kaso laban sa militar. Bago siya barilin, malaon na siyang minamanmanan ng mga operatibang militar at paniktik ng pasistang estado.
KATARUNGAN PAA KAY FR.CECILIO LUCERO NG SAMAR (tags)

ILITAW SI KASAMANG LEO VELASCO--FQSN (tags)
Mahigit nang anim na buwan mula nang garapalang dukutin ng mga operatibang militar ng rehimeng Arroyo si Kasamang Leo Velasco sa Cagayan de Oro City. Sa harap ng maraming tao, sapilitan siyang isinakay ng mga militar sa kanilang van, kasabay ang pagpapakilala sa sarili bilang mga pwersang panseguridad at pagbabanta sa mga tao sa paligid na "huwag makialam." Aktibista ng FQS si Ka. Leo Bilang mga aktibista ng First Quarter Storm Network sa Amerika, nagpapahayag kami ng marubdob na hangarin at panawagang Ilitaw si Ka. Leo Velasco, aktibista ng UP College of Medicine na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) noong 1971. Dinakip siya at magpahanggang ngayon ay ayaw ilitaw ng militar. Napakarami nang beterano ng FQS ang patuloy pa ring nakikibka sa iba'tibang antas at nagpapatuloy sa pagsusulong ng demokratikong kilusan apra palayain ang bayang Pilipinas sa pangaaapi ng Imperyalistang dayuhan at kamtin ang pambansang demokrasya.