fix articles 18501, nitong
Pagsisiyasat sa automated elections, iginigiit (tags)
Napagalaman ng PESANTE BULETIN kahapon, Hunyo 21, 2010 na kahit pa igiit ng COMELEC nasaradong usapin na ang kredibilidad ng nagdaang eleksyon, hindi nito maitanggi ang kabi-kabilang mga katanungan at pagdududa sa isinagawa nitong kauna-unahang automated o de-kompyuter na bilangan ng mga boto noong Mayo 10. Ayon pa rin sa PESANTE dahil sa ang pagiging lehitimo ng mga resulta nito, naging tampok sa mga usapin ang panghihimasok ng US sa proseso. Iba't ibang mga organisasyon at institusyon ang humihinging ipagpatuloy ang mga pagsisiyasat sa itinakbo ng automated na eleksyon.
WALANG AWAT NA KILOS PROTESTA SA PILIPINAS (tags)
Sunud-sunod na kilos-protesta ang inilunsad nitong nagdaang mga araw, laluna ng mga kabataan, laban sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at sa pagtanggi ng rehimeng Arroyo na alisin ang ipinapataw nitong buwis sa mga ito. Papalaki at papadalas na mga kilos-protesta ng mga kabataan. Umabot sa mahigit 5,000 estudyante at kabataang di nakapag-aaral ang nagmartsa patungong Mendiola nitong Hulyo 18. Sa panawagang “Kabataan at Bayan, Mag-aklas,” nag-walkout ang libu-libong estudyante mula sa kani-kanilang eskwelahan. Iginiit nila ang pagbabasura sa value added tax (VAT) sa langis, ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at ang pagsasabatas sa P125 across-the-board na umento sa sahod.
LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN (tags)
Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo. Mula sa panuhuhol, panadaraya at lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari. Dahil dito muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya . Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang paghdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng suhol sa masa.