fix articles 131657, noong nobyembre
Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar (tags)
Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.
3,000 lumikas sa Surigao (tags)
Napagalaman ngayon ng AJLPP na lumulubha ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao lalong lalo na sa mga probnsya ng Surigao at Davao. Umaabot na sa halos 3,000 magsasaka an lumikas mula sa 12 komunidad ng Surigao de Sur habang nagpapatuloy ang mga operasyon militar ng mga pwersa ng Eastern Mindanao Comman laban sa Bagong Hukbong Bayan Ayon sa Karapatan-Surigao del Sur Chapter, aabutan na ng Pasko ang mga bakwit sa mga sentro ng ebakwasyon dahil sa mga operasyong militar sa mga bayan ng Lianga, San Agustin, San Miguel, Cagwait at Tago na nagsimula noon pang huling bahagi ng Oktubre.
Pahayag ng AJLPP-USA Para Nobyembre 30, 2006 (tags)
Buong pagmamalaking ipinagdiriwang natin lalo ng Alyansa para Tunay at Pangmatagalang Kapayapaan sa Pilipinas (AJLPP)-USA ,ang ika 143 taong kaarawan ng dakilang Supremo Andres Bonifacio, ang tagapagtatatag ng Katipunan na tumapos sa mahigit sa 300 daang taong paghahari ng Kolonyalismong Espanya sa Pilipinas, Nobyembre 30, 1863. Eksaktong sa ika 101 taong ng kanyang kaarawan, itinatag naman ang organisasyong Kabataang Makabayan (KM) noong Nobyembre 30, 1964. Kasunod nito, nagtatag din ng iba’t-ibang organisasyong kabataan ang mga estudyante at kabataan at mga nasa komunidad tulad ng Samahang Demokratikong Kabataan (SDK), Katipunan ng Kabataang Demokratiko (KKD), Samahang Molabe (SM), Kamanyang at iba pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Mula noon, nag-iba na ang takbo ng kasaysayan. Mula sa mga maliit na aksyong masa, unti-unti ito ay lumaki at nagiging matutunog na pagkilos. Noong Oktubre 24, 1966 hanggang sa pagsiklab ang welga ng mga guro noong unang hati ng 1969 hanggang sa malakihang mga welgang estudyante na yumanig sa buong Pilipinas. Hanggang sa pumutok ang Sigwa ng Unang Kwarto noong Enero 1970.