fix articles 12844, kung
AQUINO'S "DAANG MATUWID" (tags)
Poem critical of neocolonial slogan "Daang Matuwid" of the Aquino regime guilty of numerous extrajudicial killings, the latest of which are Lumad popular figures.
politikang sekswual sa pilipinas (tags)
Sexual politics in the Philippines now is on trial with the intervention of Eve Ensler's white supremacist-bourgeois "feminism" in the ONE BILLION RISING front via GABRIELA. This reveals US imperial maneuvers far beyond the alibi of "Vagina Monologues" and vitiates Gabriela's claim to vanguardism.
“Ang bulaan o sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.” Totoo ang kasabihang ito lalo na kung iisipin ang ginawang aklat ni Senador Juan Ponce-Enrile . ang mahigit sa 700 pahinang “Memoirs” para magbangong puri At ikampanya ang sarili at ang anak nitong tumatakbong senador sa susunod na taong eleksyon. May masidhing pagnanais na gumawa ng sariling kasaysayan, ipinasulat pa ni Enrile sa isang dating aktibista na sa akala niya ay may natitira pang bango, kay Nelson Navarro, dating tagapagsalita ng Movement for A Democratic Philippines (MDP) ang kanyang aklat na diumano ay kanyang sinulat ng mahigit sampung taon. Si Navarro din ang sumulat ng aklat tungkol kay Dr. Nemesio Prudente, dating pangulo ng PUP.
MILITARISAYON SA MINDANAO, LUMULUBHA (tags)
Iniulat ngayon ng Pesante-USA, na ayon sa mga koresponsal nito, nagapapautloy ang brutal at todo-todong digma ang inilulunsad ngayon ng rehimeng US-Aquino laban sa mamamayan ng Mindanao. Ito ay alinsunod sa kontra-mamamayan at anti-nasyunal na programa nito na bigyang-laya ang pandarambong ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina, pagtotroso at komersyal na plantasyon sa likas na yaman ng isla. Ayon din sa mga nakalap na balita ng Pesante-USA na nakabase sa Los Angeles, mula Enero 2012, walang patumanggang pambobomba at pang-iistraping at iba pang paglabag sa karapatang-tao ang isinagawa na ng mga armadong galamay nito sa mga sibilyang komunidad.
ISULONG ANG TUNAY AT MAKABULUHANG PAGBABAGO! TAMA NA ANG PANGAKO AT PORMA! (tags)
Sisisihin ang nakaraan, mangako para sa kinabukasan. Ito ang laman ng unang talumpati sa SONA ng bagong pangulo Noynoy Aquino III sa sambayanan noong Hulyo 26 saharap ng burgis na Kongreso. Nangako itong papawiin ang korupsyon para mapaglingkuran ang bayan. Isinisi nito ang kawalan ng pera sa nakaraang rehimen at nangakong uusigin ito. Sinalubong ito ng palakpak ng mga nasa Kongreso. Tignan natin kung magkakatotoo ang mga pangako.
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ag kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ang kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
DEBATE SA PTOWN TAGUMPAY! (tags)
Kung may napatunayan ang BANTAY PILIPINAS: ito ay ang pagkakaisa ng Filipino American community sa paghahangad ng tunay at makabuluhang pagabago sa ating bansa. Noong gabi ng Abril 21, sa KAPISTAHAN Grill sa Historic Filipinotown sa pusod ng Los Angeles, nagtipon ang maraming tao para dingin at saksihan ang DEBATE sa PTOWN at sa loob ng halos dalawang oras, natigib ng sigla, palakpakan at masigabong talakayan ang KAPISTAHAN. Nagsagutan at magalang na nagtunggali sina, Jay Valencia at Linda Cross ng Villanueva camp, Terry Herrera ng Aquino campaign (na pumalit kay Manny Lopez na hindi nakarating sa debate) , Bobby Reyes ng Villar-Legarda at Eliseo Art Silva ng Teodoro at Errol Santos ng Binay for vice president groups sa loob ng isa at kalahating oras na palitang kuro at plataporma kung bakit karapatdapat ang kanilang kandidatong maihalal sa Mayo 10.
Labanan sa Umpisa ng Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010,Tumitindi. (tags)
Ayon sa mga pinakahuling balita, tabla ang labanang Villar-Aquino sa mga survey. Ayon naman sa isang political analyst sa internet na si Doy Cinco higit na mainit ito sa Metro Manila. Malamang na magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan. “ Ayon kay Cinco, “ Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon). Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa
Hinngil sa Wikang Pilipino at Sobinismong Ethnolingwistiko (tags)
May tatlong usapin na nakikita kong mahalagang linawin hinggil sa usapin ng pagpapalaganap ng Wikang Pambansa, ang Wikang Pilipino. Ang unang usapin ay ang usaping ang Pilipino nga ang pambansang wika ayon sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1935 , Konstitusyon ni Marcos ng 1973 at ng 1987. ngunit ang Ingles naman ang isang sa mga opisyal na wika na ipinapalagay ng iba na usapin sa batas. Pero higit sa anu’t anu paman ito ay usapin ng dignidad ng isang pambansang wika laban sa isang itinakdang opisyal na wika. Ikalawa, ang usapin ng sobinismong Ethno-lingwistiko na laganap pa rin sa Pilipinas at sa anumang lupalop ng mundo na may komunidad na Pilipino. Ang ikatlo ay kung ano ba ang Filipino-English. Ano bang klaseng wika ito? Nais kong ipahayag ang aking pananaw hinggil sa mga usaping ito.
Hinggil sa Wikang Pilipino at Sobinismong Ethnolingwistiko (tags)
May tatlong usapin na nakikita kong mahalagang linawin hinggil sa usapin ng pagpapalaganap ng Wikang Pambansa, ang Wikang Pilipino. Ang unang usapin ay ang usaping ang Pilipino nga ang pambansang wika ayon sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1935 , Konstitusyon ni Marcos ng 1973 at ng 1987. ngunit ang Ingles naman ang isang sa mga opisyal na wika na ipinapalagay ng iba na usapin sa batas. Pero higit sa anu’t anu paman ito ay usapin ng dignidad ng isang pambansang wika laban sa isang itinakdang opisyal na wika. Ikalawa, ang usapin ng sobinismong Ethno-lingwistiko na laganap pa rin sa Pilipinas at sa anumang lupalop ng mundo na may komunidad na Pilipino. Ang ikatlo ay kung ano ba ang Filipino-English. Ano bang klaseng wika ito? Nais kong ipahayag ang aking pananaw hinggil sa mga usaping ito.
PAHAYAG NG PESANTE-USA SA PLANONG PAGPAPALAYA KAY ROLITO GO (tags)
Saksakan ng kawalang walang budhi at sadyang maiitim ang buto. Kung mailalarawan lamang ng mga salitang ito ang mga kagagawan ng rehimeng Arroyo, marahil sasapat na sabihin kung gaano kasama ang ginagawa ng rehimen sa mga mamamayan nito. Baka parang asin na natunaw na sila kung sila ay may kahihiyan. Sukdulan na ang pagiging walanghiya ang rehimen. Matapos bigyan ng patawad ang mga nagkasalang kriminal tulad nina Manero, Martinez , Claudio Teehanke Jr. na walang awang pumatay ng dalawang kabataan noong 1991. At ngayon naman plano diumano ng rehimeng Arroyo na palayain si Rolito Go.
PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA KALAMIDAD SA PILIPINAS (tags)
Kung may labis na nakahihiya ay yaong makita ang pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal-Arroyo na namamasyal sa Amerika habang binabagyo ang kanyang bayan. Para sa Pesante-USA nmagsisilbing pang ginadgaran ng asin ang sugat, namustura pa at nagmiting sa NDCC ang pangulo habang nagpapakitang gilas sa Fresno, California. Sinesermunang galit ang kanyang walang silbing gabinete sa harap ng pinsala ng bagyo,baha at kapabayaan sa malaking trahedya ng paglubog ng MV Princess of the Stars sa Sibuyab Sea kung saan mahigit 700 ang nasawi.
PILIPINAS: Eleksyong 2007: Anong Bago at Anong Luma sa Pandaraya? (tags)
Kaisa ang AJLPP sa pahayag ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na “ Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema”
IPAGLABAN ANG KATARUNGAN PARA KAY NICOLE, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG BAYANG PILIPINAS! (tags)
Naninindigan ang Pesante-USA na kung ang soberanya at legalidad ang pag-uusapan, lahat ng mga balibagan ng katumpakan at kamalian ng usapin hinggil sa paglilipat ng may-salang marinong si Daniel Smith sa U. S Embassy, ang tunay na esensya ng usapin ng panggagahasa kay Nicole ay talagang matatabunan. Tunay na makakaligtaan ang isang Pilipina ang nagdurusa dahil sa tahasang kawalang katarungan at pagpapatuta ng gobyerno ng Pilipinas. Ang inapi, inalipusta at hanggang sa ngayon ay binubusabos ng sarili niyang gobyerno, ang kababayan nating si Nicole.
Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP nais ibagsak ng rehimeng Arroyo (tags)
Lubos na kaisa ang Pesante-USA sa pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Naninidigan ang Pesante-USA bilang isang grupong nagtataguyod ng karapatang-pantao at kapayapaan sa Pilipinas na dapat maging seryoso ang GRP sa pakikipagnegosasyon sa MILF at manghinayang sa mangyayari kung babalik sila sa pang-uupat ng digmaan na kumitil na ng maraming buhay sa nakaraan.
"The US is on the Wrong Path" (tags)
US foreign policy must obviously be redirected. At present the policy is to bridle the horse by the tail. A solution is only possible by solving the Palestinian problem.
Hinggil sa Pagkansela ng Visa ni USEC Bolante sa Amerika (tags)
Nagulantang ang lahat ng arestuhin ng mga tuhan ng Imigrasyon ng Amerika si Jocelyn Bolante pagbaba nito sa paliparan ng Los Angeles. Diumano nakansela ang Visa nito at kung sino ang nagkansela ay isang naging bugtong na hindi masagot-sagot.Hindi ito gulong ng palad, ito ang sirkulo ng kawalanghiyaan ng isang angkang pampulitika na naging papet ng Imperyalismong US. Mula sa ama hanggang sa anak, iisang puno, iisang bunga Hindi ito gulong ng palad, ito ang sirkulo ng kawalanghiyaan ng isang angkang pampulitika na naging papet ng Imperyalismong US. Mula sa ama hanggang sa anak, iisang puno, iisang bunga!
OPERASYONG MILITAR NI PALPARAN, BIBIGUIN NG MASA NG SAMBAYANAN (tags)
Ang tuta ay laging tumutulad sa kanyang amo! Nglunsad ng malakihang operasyong militar ang mga tropa ng US sa Iraq kamakailan at katulad ng tuta sa amo—naglusad din ng operasyong militar si heneral Jovito Palparan ng 7th ID Philippine Army sa Gitnang LuzonWalang magagawa ang gaya-gayang si Palparan.:Lahat ng kontrarebolusyonaryo at anti-mamamayang sa kasaysayan tulad niya ay mabibigo at pupulutin sa basurahan ng kasaysayan!