fix articles 12799, pinky aquino Los Angeles Indymedia : tag : pinky aquino

pinky aquino

HINGGIL SA PAPASOK NA REHIMENG AQUINO (tags)

Nanalo si Noynoy Aquino dahil sa bago maghalalan siya ang pinili ng mga imperyalistang Amerikano at mga lokal na naghaharing uri ng malalaking komprador at asendero na maging bagong pangulo ng naghaharing sistema. Sa kabila ng pagkukunwaring umaasa siya sa piso-piso mula sa karaniwang mga tao, sa kanya idinagsa ng malalaking negosyanteng dayuhan at Pilipino ang kanilang suporta sa kampanya. Sa kalaunan ng kampanya, hinigitan ni Noynoy si Manny Villar sa paglikom at paggamit ng pera para sa iba't ibang tipo ng propaganda. Sinuportahan si Noynoy ng malaking mass media. Tuso sa propaganda ang mga alalay niya. Para mapagtakpan ang kasalatan niya sa track-record at kakayahan, pinatingkad ng kanyang media handlers ang palagay na siya ay malinis na tagapagmana ng tatay at nanay niya at ang pagbatikos sa korapsyon ng rehimeng Arroyo. Kaugnay nito, sa pariralang Villaroyo, tumalab ang hambalos ng kampong Noynoy na ahente ni Arroyo si Villar dahil hindi siya umaatake kay Arroyo. May mga palatandaan din na sa automated electoral system ng Smartmatic, na kontrolado ng US at mga ahente nila, may naganap na preprogramming para panaluhin sina Aquino at Binay. Halatang kinabigan ng napakalaking boto sina Manny Villar at Loren Legarda. Overkill at di kapanipaniwala ang biglang pagbagsak nila. May mga ulat na matataas na kinatawan ng CIA, pamilya ni Aquino at rehimeng Arroyo ang nagpasya sa pre-programming anim na linggo bago araw ng halalan. Ang pag-uusap nina Pinky Aquino-Abellada at Ginang Arroyo ang nagbigay daan sa ganitong areglo.

ignored tags synonyms top tags bottom tags