fix articles 10348, ayon sa Los Angeles Indymedia : tag : ayon sa

ayon sa

TUMITINDI ANG BAKBAKAN NG NPA AT AFP SA AURORA (tags)

Ibinalita ngayon ng PESANTE NEWS na nakabase sa Los Angeles na nakalap mula sa internet wires na umiigting na labanan sa pagitan ng mga New People?s Army (NPA) at ng mga tropa ng 48th IB Philippine Army sa probinsya ng Aurora, sa hilagang bahagi ng Central Luzon. Ayon sa PESANTE NEWS, isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga pwersa ng NPA Aurora at mga tropa ng 48th ?Cedula/Berdugo? Battalion sa kabundukan ng Brgy. Dikapinisan, San Luis, Aurora noong Agosto 23, 2011. Ito ay nagsimula ng ganap na alas-6:30 ng umaga. Naka-maniobra palayo ang yunit ng NPA pag-abot ng alas-7 ng umaga. Nagpatuloy ang walang direksyong pagpapaputok ng mga militar hanggang lampas tanghali nang magdatingan ang kanilang sumaklolong helicopter . Malaki ang pinsala ng mga sundalo ng 48th IB. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang mga impormante sa hanay mismo ng militar, pulisya, at marami pang mga sources ng kilusan, aabot ng 7 ang napatay na mga sundalo sa labanan, at 6 ang mga sugatan.

UTOS NA DOJ PABOR SA AMPATUAN- UTOS NI GMA, TALAMAK NA KAWALANGHIYAAN! (tags)

“ Sagad sa butong kawalanghiyaan!” Ito ang naibulalas ng Philippine Peasant Support Network (PESANTE))-USA na nakabase sa Los Angeles sa desisyon ng Department of Justice Secretary Agra na nagbasura sa kasong murder ng dalawang Ampatuan noong nakaraang Biyernes. Ayon pa kay Arturo P. Garcia ng Pesante “ Maliwanag na utos ito ni GMA at paghahanda ito para pawalang wala ang mga Ampatuan at gamitin ang mga ito lalo na si dating Governor ng ARMM Zaldy Ampatuan na muling mandaya sa darating na eleksyong Mayo 10, 2010” ayon sa PESANTE-USA.

KAMPANYA SA ELEKSYONG 2010 LALONG UMIINIT (tags)

Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga pampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles. Nagdesisyon diumano ang mayorya sa Senado na punahin “censure” si Senador Villar at hinihiling na ibalik nito ang may P 2.6 bilyong diumano ay nakurakot nito sa bayan. Ngunit hindi ito pinapansin ni Villar at binansagan pa itong “walang kwenta at isang pirasong papel” ng tagapagtanggol ni Villar na si Senador Rene Cayetano.

LABANANG AQUINO-VILLAR, UMIINIT (tags)

Umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE NEWS sa Maynila at sa Los Angeles. Bumaba naman mula ikalawa pwesto tungo sa ikatlo si brother Eddie na sumegunda kay Gibo Teodoro noong nakaraang Disyembre 2009. Ngayon si Noynoy naman ang naguguna sa facebook. Patunay lamang na ang labanan ay umiinit na rin kahit na sa internet.

PARUSAHAN ANG MGA AMPATUAN: UTAK NG MASAKER SA MAGUINDANAO (tags)

Kung gaano kabilis magpaaresto si GMA sa kanyang mga kalaban, gaanong kabagal naman at kaingat siya sa pagprotekta sa katulad na warlord na si Ampatuan na gumawa ng karumaldumal na masaker sa Magunidanao. Ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles, nakapangngangalit ang pahayag na GMA na “ kaibigan pa rin niya ang mga Ampatuan” kaya ganong kaingat sila sa pagprotekta dito. Ayon sa mga balita umabot na sa 67 ang nahukay na bangkay kabilang ang 22 babae na kanilang ginahsa bago pinatay, 30 mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.

GYERA SA MINDANAO-LUMALALA (tags)

Ayon sa pinakahuling ulat ng grupong Pesante-USA, parami nang parami ang bilang ng mga sibilyang Morong binibiktima ng mababangis na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng Mindanao. Ayon sa ulat ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na nahalaw ng Pesante, noong Oktubre 29, sa mga evacuation center sa Datu Piang, Maguindanao pa lamang ay mayroon nang 55,000 indibidwal na nagsilikas sa kani-kanilang mga tahanan, mula sa 35,000 katao noong Agosto. Mula Agosto hanggang ikatlong linggo ng Oktubre, umaabot na sa 127,164 pamilya o 611,753 indibidwal ang naaapektuhan ng mga sagupaan sa pagitan ng MILF at AFP sa mga prubinsya ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Palparan, sangkot sa pagdukot--Court of Appeals (tags)

Naiulat mula sa mga tagapagbalita ng AJLPP na diumano sangkot si Brig. Gen. Jovito Palparan at ang ilan tauhang militar sa pagdukot sa magkapatid na Reynaldo at Raymond Manalo noong 2006, ayon sa 2 d Division ng Court of Appeals (CA). Ang 30-pahinan desisyon ay inilabas noong huling linggo ng Disyembr ekaugnay ng paggawad ng writ of amparo sa magkapatid.

KAMPANYA NG PAGPATAY SA PILIPINAS, LUMALALA AT NAGPAPATULOY PA. (tags)

Sa kabila ng diumano’y komperensya na ipinatawag ng Korte Suprema para harapin ang usapin ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang , nagpatuloy ang mga magkasunod na pagpatay sa mga lider ng Anakpawis sa Tacloban City at Compostela Valley at iba pang panig ng Mindanao. Ayon sa mga ulat na tinipon ng AJLPP at Pesante-USA, naririto ang mga tala ng mga paglabag sa karapatang pantao at pagpatay ng ginagawa ng AFP:

ignored tags synonyms top tags bottom tags