fix articles 100716, mula sa Los Angeles Indymedia : tag : mula sa

mula sa

MILITARISAYON SA MINDANAO, LUMULUBHA (tags)

Iniulat ngayon ng Pesante-USA, na ayon sa mga koresponsal nito, nagapapautloy ang brutal at todo-todong digma ang inilulunsad ngayon ng rehimeng US-Aquino laban sa mamamayan ng Mindanao. Ito ay alinsunod sa kontra-mamamayan at anti-nasyunal na programa nito na bigyang-laya ang pandarambong ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina, pagtotroso at komersyal na plantasyon sa likas na yaman ng isla. Ayon din sa mga nakalap na balita ng Pesante-USA na nakabase sa Los Angeles, mula Enero 2012, walang patumanggang pambobomba at pang-iistraping at iba pang paglabag sa karapatang-tao ang isinagawa na ng mga armadong galamay nito sa mga sibilyang komunidad.

“Problema ang Makata”-Alay Kay Randy maguigad ng Chicago, 1989-2010 (tags)

laging mainit, panahon sa timog amerika lunan daw at pugad ng mga makata silang laging pangarap ang katubusan ng bayang pinakamamahal bansang inalipin at dinusta ng pendehong peninsulares mula sa espanya ng iustradong mga anak, maging apo nila silang lumalangoy sa dugo semilya ng mga de goiti, salcedo't legazpi silang inaruga ng mga indian ng timog amerika pero pambubusabos ang isinukli pa silang nagwasak ng templo ng pagmamahal ng katutubong ritwal at awit ng pag-asa silang nagluklok sa altar ng dusa ng santo't santang mula sa europa ilong matatangos, mangasul-ngasul ang mata!

LAKBAYAN 2010, PUMASOK NA SA NCR (tags)

Balita mula sa Manila, nakapasok na ang LAKBAYAN 2010s at militanteng nagmartsa sa pusod ng National Capial Region ayon sa PESANTE NEWS. Ayon pa sa PESANTE NEWS ,kahapon, Enero 20, dumating sa may south wing ng Alabang, Muntinglupa, Rizal ang grupong mula sa Timog Katagalugan, Visayas at Mindanao. Sinalubong sila ng kulang sa isang libong mga mamamayan ng NCR.

WALANG AWAT NA KILOS PROTESTA SA PILIPINAS (tags)

Sunud-sunod na kilos-protesta ang inilunsad nitong nagdaang mga araw, laluna ng mga kabataan, laban sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at sa pagtanggi ng rehimeng Arroyo na alisin ang ipinapataw nitong buwis sa mga ito. Papalaki at papadalas na mga kilos-protesta ng mga kabataan. Umabot sa mahigit 5,000 estudyante at kabataang di nakapag-aaral ang nagmartsa patungong Mendiola nitong Hulyo 18. Sa panawagang “Kabataan at Bayan, Mag-aklas,” nag-walkout ang libu-libong estudyante mula sa kani-kanilang eskwelahan. Iginiit nila ang pagbabasura sa value added tax (VAT) sa langis, ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at ang pagsasabatas sa P125 across-the-board na umento sa sahod.

Pananalanta ng pasistang estado, Nagpapatuloy (tags)

Nagpapatuloy ang pasistang pananalanta ng AFP sa buong Pilipinas. Ayon sa ulat ng AJLPP,walang puknat ang mga pamamaslang at iba pang abusong militar sa bansa. Isang lider magsasaka ang pinaslang sa Masbate at isang lider kabataang Moro ang pinatay sa Zamboanga Sibugay nitong Enero. Patuloy din ang harasment sa mga progresibo at panggigipit sa masang magsasaka sa kanayunan. Ayon pa rin sa ulat mula sa Pilipinas ay nagpapatuloy ang mga pagpataya mga lumalaban sa pamahalaan.

ignored tags synonyms top tags bottom tags