{"article":{"id":291586,"heading":"AQUINO'S "DAANG MATUWID"","author":"PHILIPPINES STUDIES CENTER idVer:20642da99185","created":"2015-10-01 21:25:47","modified":"2015-10-01 21:25:47","last_modified":"Fri, 02 Oct 2015 04:25:47","article":"
BINALUKTOT NA TRAPIK SA \"DAANG MATUWID\"

ni E. San Juan, Jr.

Kailan lamang sapilitan tayong na-detour

Ng walang-hiyang Yolandang ibinunyag ang bulok

Na pamamalakad ng gobyernong buktot

Nalubog sa putik ng kasinungali't korapsyon

Pabalik mula sa Tacloban ng mga Romualdez

Naligaw tayo ng patayan sa Mamasapano, sinilip

Kung saan idinuro ni Marwan si P'Noy nasipit

Utos ng Kanong sa pandarambong di mailigpit

Di naharang nina Jennifer Laude't Veloso, biktima

Ng patuloy na neokolonya't alipin ng dayuhang kapital

Liku-likong landas ang tinahak ng berdugong Palparan

Tinutugis ng multo nina Burgos Empeno't Cadapan

Hirap ituwid ang liku-likong daan nina Marcos & Macapagal

Vigilante ni Cory mula Mendiola't masaker sa Ampatuan

Daang madugo'y lumawig mula Davao Bukidnon hanggang

Surigao del Sur ng Magahat-Bagani ng AFP, ng Alamar

Di maituwid ang tusong landas nina Monsod at Coloma

Sisihin man ang NPA o Abu Sayyaf at libu-libong Lumad

Dagdag na ang 280 biktima ng rehimeng P'noy, huwag kalimutan

Ang pinaslang sa Hacienda Luisita--Ay naku, matinik na landas

Ang tatahakin ng U.S. imperyalismong  sa krisis nahulog

Habang tumatawid sa lupain ng Moro't Lumad, sinakop

Ng korporasyong kasabwat ng mga oligarko't trapong

Yumaman sa pagnanakaw--paano na ang hustisyang pangako?

Kung walang katuwiran sa \"daang\" binaluktot, imbi't taksil

Ang hagkis na dahas ng gobyernong suwail

Sa masang tuwirang bumabanat, naghihimagsik

Upang tuwiring makamit kalayaa't kararinlang minimithi.  -##

<\/p>\n","contact":"","link":"","address":"","phone":"","parent_id":0,"mime_type":"text\/plain","summary":"Poem critical of neocolonial slogan "Daang Matuwid" of the Aquino regime guilty of numerous extrajudicial killings, the latest of which are Lumad popular figures.","numcomment":0,"fileurl":"\/uploads\/","filesize":null,"article_url":"\/news\/2015\/10\/291586.php"},"attachments":[],"comments":[]}