Ipaglaban ang Tunay na Kalayan. Demokrasya at Tunay na Makabuluhang Pagbabago

by Alliance-Philippines (AJLPP) Thursday, Jun. 16, 2011 at 11:43 AM
ajlpp_us@yahoo.com 213-241-0995 1610 Beverly Blvd, Los Angeles, Ca 90026

Sa araw ng kalayaan, Hunyo 12, 2011 --ikinararangal nating magpugay sa mga manghihimagsik ng Rebolusyong 1896. Sa kabila nang naagaw ang kalayaan sa kanila, nagpatuloy silang magiting na kipaglaban, humawak ng armas at nagpahayag sa kalsada mula Pilipinas hanggang Amerika't Europa at ibang ibang panig ng daigdig at hindi sumuko. Dumating sa rurok ang himagsikan ng 1896 noong Hunyo 12, 1898 nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan habang nasa binggit ng tagumpay ang sambayang Pilipino sa pagpapatalsik sa mga Kastila. ngunit sinakop naman tayo ng bagong imperyalistang Estados Unidos at mapaghanggang ngayon ay isang kunwang malaya ngunit sa totoo isang kontroladong mala- koloyang bansa.

Ipaglaban ang Tunay ...
dsc_0423.jpg, image/jpeg, 3008x2000

Alliance-Philippines
June 12, 2011

Ipaglaban ang Tunay na Kalayan. Demokrasya at Tunay na Makabuluhang Pagbabago

Sa araw ng kalayaan, Hunyo 12, 2011 --ikinararangal nating magpugay sa mga manghihimagsik ng Rebolusyong 1896.

Sa kabila nang naagaw ang kalayaan sa kanila, nagpatuloy silang magiting na kipaglaban, humawak ng armas at nagpahayag sa kalsada mula Pilipinas hanggang Amerika't Europa at ibang ibang panig ng daigdig at hindi sumuko.

Dumating sa rurok ang himagsikan ng 1896 noong Hunyo 12, 1898 nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan habang nasa binggit ng tagumpay ang sambayang Pilipino sa pagpapatalsik sa mga Kastila. ngunit sinakop naman tayo ng bagong imperyalistang Estados Unidos at mapaghanggang ngayon ay isang kunwang malaya ngunit sa totoo isang kontroladong mala- koloyang bansa.

Makasaysaysayang Pagbaybay

Upang magmuklhang makabayan, pagkaraan ng mahigit na 60 taong pagkalimot, idieklara ng Pangulong Disodao macapagal ang Hunyo 12, noong 1962 bilang tunay na araw ng kalayaan ng Pilipinas.

Kayat sa loob ng 48 taon na ang 14 na taon ditto ay sa loob ng isang pasistang diktadura ipnagdiriwang ang araw ng kasarinlan , bilang tagumpay ng rebolusyong 1896 kapalit ng kalayan ipinahayag ng mga Amerikano noong Huly0 4, 1946. Ngunit sa esensya nanatiling huwad ang kalayaang ating ipinagdiriwang.

Nakakalungkot na sa ika-113 araw ng kalayaan, pinili ni Aquino III na gamitin ang multo ng kapareho niyang Ilustradong si Aguindlo na ipahayag ang mga tagumpay ng kanyang unang taon bilang pangulo.

Muli, nangako siyang aalisin ng korupsyon bilang” solusyon sa pag-unlad ng bansa” ngunit ito ay isang malaking kahungakagan at panay salita lamang.

Sa pang-uuto ng mga Amerikano, nagbabanta laban sa Tsina ang Pangulong Aquino. Umaasang ipagtatanggol ng Amerika ang Pilipinas samantalang sa ilang pagkakataon tayo ay iniwanan at pinabayaan nito noong WWII sa panahon ng Hapon at noong 1968 laban sa Ingles sa ating paghahabol sa isla ng North Borneo.

Sa katunaya, hindi pa rin nila kiniklala ang may nalalabi pang 40,000 mbeteranong Pilipino na lumaban sa Amerika. Ang masama pa dito may 27,000 ang nadeny sa claims sa lump sum at hindi nabigyan ng benepisyo ang mga namatay nang beterano at ang kanilang naiwanang mga balo.

Ang Ating Mga Tungkulin

Nanatili ang inhustisya at kawalang hanap-buhay sa Pilipinas, Milyon ang walang trabaho at kulang ang trabaho. Walang lupa ang mga magsakaka habang ipinamimigay ng gobyerno ang mga korporasyon sa mga dayuhan at bimubuksan ang lupain nito sa pandarambong mga dayuhan.

Patuloy na anakatengga ang usapang pangkapayaan kapwa sa NDF at sa MILF. Nangananib na sumabog ang digmaang sibil sa loob ng bansa habang ang panganib ng digmaan hinggil sa mga isla ng Pag-asa (Spratleys) ay lagi nang nakaamba. Ginagamit lamang ng Amerika ang Pilipinas at ang Byetnam laban sa Tsina. Sa huli ang makikinabang ayang mga Imperyalistang Amerikano sa dugo ng mga Asyano.

Tungkulin nating tuparin na ipagpatuloy ang naantalang rebolusyong 1896 tungo sa mas mataas na antas! Mabuhay at Ipaglaban ang tunay na kalayaan.

Sa layuning tio nagangako tayo sa harap ng gating mga ninuno na hindi natin sila bibiguin.

Ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya. Igiit ang karapatan ng mga Pilipino-Ameriikano at kumilos tungo sa tunay na pagbabago laban sa bulok na sistema

Pambansang Kalihiman
Alyansa Pilipinas
Los Angeles


*******
Hunyo 12, 2011