by Alliance-Philippines (AJLPP)
Sunday, Jun. 13, 2010 at 8:19 AM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
Ipinagdiriwang natin—ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) at komunidad Pilipino sa Amerika ang ika-112 Araw ng kalayaan mula sa koloyalismong Kastila, Hunyo 12, 1898 .
Sa dakilang araw na ito, habang sa Pilipinas, buong pagmamalaking pumaparada ang sandatahang lakas ni Gloria para siya bigyan ng pamamaalam at ang paksa ng parangal sa Luneta ay ang mga nagawa ng kanyang siyam na taong paghahari, pinaalalahanan natin ang ating sarili na tuloy ang ating pakikibaka
Batid nating uupo ang bagong pangulong galling sa isang lumang pampulitikang dinastiya at mananatiling banta sa kanyang pamamahala ang sakim na si PGMA na nagiwan ng mahabang listahan ng pagmamalabis, lagim at pandarambong na halos kapantay o higit pa sa diktador na si Marcos.
Dapat pa tayong humanda sa mas magiting at matindi pang pakikibaka. Ngayon pa lamang tiyak na mas tuso, garapal at marunong ang bagong pangulong si Noynoy Aquino. Kung tuso si Gloria at walang habag, alalahaning galing sa pamilyang warlord si Noynoy na may suporta sa showbiz , mga korporasyon sa media at uring asendero kayat paborito ng imperialismong dayuhan.
dsc_0423.jpg, image/jpeg, 3008x2000
Pahayag ng Alyansa Pilipinas( AJLPP)
Araw ng Kalayaan
Hunyo 12, 2010
Ipagdiwang ang Hunyo 12, 1898 at Ipagtuloy ang Magiting na Pakibaka Para sa Tunay na Kalayaan at Soberenya ng Pilipinas
Los Angeles—Ipinagdiriwang natin—ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) at komunidad Pilipino sa Amerika ang ika-112 Araw ng kalayaan mula sa koloyalismong Kastila, Hunyo 12, 1898 .
Sa dakilang araw na ito, habang sa Pilipinas, buong pagmamalaking pumaparada ang sandatahang lakas ni Gloria para siya bigyan ng pamamaalam at ang paksa ng parangal sa Luneta ay ang mga nagawa ng kanyang siyam na taong paghahari, pinaalalahanan natin ang ating sarili na tuloy ang ating pakikibaka
Batid nating uupo ang bagong pangulong galling sa isang lumang pampulitikang dinastiya at mananatiling banta sa kanyang pamamahala ang sakim na si PGMA na nagiwan ng mahabang listahan ng pagmamalabis, lagim at pandarambong na halos kapantay o higit pa sa diktador na si Marcos.
Dapat pa tayong humanda sa mas magiting at matindi pang pakikibaka. Ngayon pa lamang tiyak na mas tuso, garapal at marunong ang bagong pangulong si Noynoy Aquino. Kung tuso si Gloria at walang habag, alalahaning galing sa pamilyang warlord si Noynoy na may suporta sa showbiz , mga korporasyon sa media at uring asendero kayat paborito ng imperialismong dayuhan.
Sa katunayan, ang pasasalamat ni Kris Aquino sa kanyang tiyong asenderong-kapitalistang si Danding sa suporta kay Noynoy ay isa nang masamang senyal kung anong bagyo ang darating sa masang Pilipino sa susunod na panahon.
Kalagayang Katulad ng 1986.
Pumapasok tayo sa kalagayang tulad ng 1986. Kung malaki ang pag-asa noong ibinigay ng masa sa pagpalit ni Cory Aquino kay Marcos, ganoon din ang pag-asang ibinibigay nila kay Noynoy sa pagpalit nito kay GMA nitong 2010.
Ngunit batid ng lahat na sa halip na maging iba kay Marcos, ibinalik lamang ni Cory ang mga palamuting demokratiko. Naging kasingsama din siya ni Marcos at lalo pang naapi at nalugmok ang bayan sa balag ng karalitaan at pagdurusa . Mas mahirap lang ang kalagayan ngayon dahil mas lubog sa karalitaan at pagkaapi ang buong bayan. Ito ang hamong kailangang harapin ng bagong panguluhan.
Sa katunayan,sinagip lamang ni Noynoy ang sistema sa pagbagsak at tinaningan ang nanghihingalong buhay ng bulok na sistema. Makapagmamayabang tuloy si GMA na may demokratikong proseso sa eleksyon.
Ngunit alam nating di solusyong ang eleksyon sa kahirapan ng bayan. KAtulad din ito ng itinuro ng mga imperyalistang Kano ang eleksyon sa Pilipinas para tuluyang gapiin ang naunsyaming republika at rebolusyong 1896.
Ipinagdiriwang natin ang araw ng kalayaan na inagaw at tinapos ng imperyalismong Kano noong 1899. Lumaban tayo at nabigo, namatayan nghalos dalawang milyon, ang mga bayani natin ay ginawang mga bandido’t tulisan , sinupil ang ating makabayang hangarin ngunit nagpatuloy tayong lumaban.
Ipagdiwang ang kalayaan at pakikibaka
Kahit dito sa Amerika ang mga problema natin ay di nalulutas. Pinalala pa pa ito ng pagiging papet na masunuring mga tuta ng mga nanungukulan sa Pilipinas. Hindi nila ipinagtatangol ang ating mga karapatan. Bagkus, sila pa ang unang yumuyurak sa ating pagkatao at pagiging Pilipino.
Ipinagmamalaki natin na tayo ang unang burges na Republika sa Asya. Tayo ang unang kolonyang tumapos sa kanluraning poder kasamang Cuba at Puerto Rico. Ngunit ang mapait na pangyayari, ito ay inagaw at tinapos ng bagong kolonyal na kapangyarihan- ang Imperlialismong US . Ngunit tayo ay patuloy na lumalaban.
Sa araw na ito, inaalay natin ang ating pagsisikap sa mga naunang mga bayani ang ating magiting na pakiibaka dito sa Amerika at iba pang bahagi ng mundo para sa tunay at ganap na pagbabago.
Bilang bahagi ng pagdiriwang –isinusumpa nating ipagpapagpatuloy ang naunsyaming rebolusyong 1896 at itutuloy ito tungo sa sosyalismo sa ating ikalawang tahanan- sa Amerika.
Patuloy nating ipaglalaban ang karapatan ng ating pamayanan at lahat ng uring pinagsasamantalahan at inaapi. Ipaglalaban ang kalayaan sa sariling determinasyon, pambansang kalayaan at lalabanan ang rasismo at pambansang pang-aapi.
Ipagtatangol natin ang ating mga kababayan. Ipaglalaban ang kanilang karapatang mamuhay ng marangal at may dignidad, ang kanilang hanap-buhay at karapatang bilang imigrante at maging mamamayan ng Amerika. Ipaglalaban natin ang kanilang mga demokratikong karapatan at ang sosyalismong ultimong hangarin ng bayan.
Tulad ng sabi ng awit:
…
Tungkulin naming gagampanan
Na lagi kang paglingkuran.
Ang laya mo’y babantayan,
Pilipimas kong hirang.”
Alyansa Pilipinas (AJLPP)
Hunyo 11, 2010