by AWARE
Monday, Dec. 07, 2009 at 9:01 AM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
“ Nililikha naming ang krisis. Ginagawa naming ito at pinatatakbo”- Mike Arroyo.
Kaisa ng mamamayang Pilipino at lahat ng demokratikong organisasyon sa Pilipinas ang Alyansa-Pilipina (AJLPP) upang kondenahin at labanan ang E.O. 1959 na nagdedeklara ng batas militar at pagsusupindi ng writ of habeas corpus sa Maguindanao.
Huli na at mali pa ang hakbang ng Rehimeng pilit kunwaring nagbabangong puri sa kawalanghiyaan nito. Nais lamang ilatag ng deklarasyong ito ang planong pagpapalawak ng batas militar sa hinaharap. Inilalatag din nito ang mga maniobrang legal upang gawing legal ang pasistang paghahari ng pangkating Arroyo sa hinaharap.
dsc_0423.jpg, image/jpeg, 3008x2000
Alliance-Philippines (AJLPP)
December 6, 2009
Los Angeles
LABANAN ANG BATAS MILITAR AT LAHAT NG PAKANA NG PASISTANG REHIMENG US-ARROYO NA PALAWIGIN ANG KANILANG PAGHAHARI SA PILIPINAS
Los Angeles—“ Nililikha naming ang krisis. Ginagawa naming ito at pinatatakbo”- Mike Arroyo.
Kaisa ng mamamayang Pilipino at lahat ng demokratikong organisasyon sa Pilipinas ang Alyansa-Pilipina (AJLPP) upang kondenahin at labanan ang E.O. 1959 na nagdedeklara ng batas militar at pagsusupindi ng writ of habeas corpus sa Maguindanao.
Huli na at mali pa ang hakbang ng Rehimeng pilit kunwaring nagbabangong puri sa kawalanghiyaan nito. Nais lamang ilatag ng deklarasyong ito ang planong pagpapalawak ng batas militar sa hinaharap. Inilalatag din nito ang mga maniobrang legal upang gawing legal ang pasistang paghahari ng pangkating Arroyo sa hinaharap.
Ang pinakahuling hakbang na ito ng pangkating Bert Gonzales-Puno-Ermita at ni Mike Arroyo ay isang “Moro-moro” na nagnanais palusutin sina Ampatuan na kanilang inaangat mula sa isang komon na kriminal tungo sa isang rebelde. Patungo ito sa pagbibigay ng pardon sa isa na naming halang ang kaluluwang warlord katulad ni Arroyo.
Isa na naman itong maitim na pakana para palawigin ang paghahari ng pangunahing warlord at dinstiyang pampulitika sa bansa- ang dinastiyang Arroyo.
Buong lakas ding kinokondena ng AJLPP ang mga alipures ni Arroyo tulad nina Nograles at Joker Arroyo at ang mga kunwang oposisyon tulad nina Enrile na pumapanig sa pagkakadeklara ng batas militar. Palibhasa silang lahat ay nakikinabang sa sistema. Sinasabi nilang isang itong mabuting paraan para ipatupad ang batas laban sa mga Ampatuan.
Pinapatunayan lamang nito na inutil ang rehimen laban sa isang warlord na kanyang nilikha at kinupkop. Tumambad sa publiko hindi lamang ang pusakal na karahasan tulad ng lantarang pagpatay at pangagahasa kundi ang mayabang na pagpapakita ng kapangyarihan at paglalantad ng yamang ninikaw sa bayang Moro na naghihirap.
Paano nila ipapaliwanag ang mga naglalakahing masyon at palasyong pinasok ng military sa Davao City, Shariff Aguak at iba pang bayan ng Maguindanao? Kung karaniwan ito sa mga Marcos at kay Estrada maging kay Gloria-nakakasulasok ito sa bayan ng mga kapatid na Moro na kinuba na sa paghihirap habang ang mga Ampatuan ay nabubuhay sakarangyaan at kayabangan.
Dapat bantayan ng MILF at ng NPA ang mga maniobra ng AFP na kunwa’y laban sa mga Ampatuan. Ang hakbang para patindihin ang militarisasyon sa Mindanao ay papabor sa mga kandidato ng adminstrasyon at mga hkbang para malawakang pandaraya sa dating na eleksyo ng 2010.
Labanan ang batas militar at “moro-morong legal” para palusutin ang mga Ampatuan!
Katarungan para sa mga biktima ng Maguindao Massacre at lahat ng paglabag sa Human Rights.
Alyansa Pilipina
December 6, 2009