{"article":{"id":219151,"heading":"BULGAR ANG TUNAY NA SONA: LANSAGIN ANG PASISTANG PAGHAHARI NG REHIMENG US- GMA","author":"D70N","created":"2008-07-30 12:50:51","modified":"2013-11-11 00:53:57","last_modified":"Mon, 11 Nov 2013 07:53:57","article":"
IBULGAR ANG TUNAY NA SONA: LANSAGIN ANG PASISTANG PAGHAHARI NG REHIMENG US- GMA

Los Angeles --Katulad ng dati, walang pinag-iba ang State of the Nation Address o SONA ni Gloria Mcapagal-Arroyo sa iba pang sona na kanyang tinalumpati sa kanyang bihag na Kongreso.

Nagsimula sa “bangkang papel” noong 2001 nagwakas ito sa barkong lumubog na MV Princess ng Sulpico Lines nitong 2008, katulad ng kinasadlakan ng kawawang kalagayan ng bansang Pilipinas: lubog sa utang sa ibang bansa, lubog sa karalitaan, lubog sa pagdarahop, lubog sa pamimighati dahil sa pasistang karahasan ngunit patuloy na lumalaban ang masang Pilipino.

Walang malilinlang na malawak sa masa ang palalong si GMA. Sa labas ng Kongreso, nagrali ang galit na mga mamamayan. Sa iba’t ibang parte ng bansa, damang dama ang galit ng pagtutol. Bakit nga ba makikinig ang bayan sa paglulubid ng mga kasinungalingan?

Sa halip na ibsan ang paghihirap ng bayan, ipinagpatuloy nito ang pangungulimbat sa pahirap na VAT. Alam ng bayan na ito ay kinukurakot at ipinambabayad sa 60% ng uatang sa labas para lamang makapngautang muli.

Sa halip na tugunan ang mga suliranin ng bayan, nagmamalaking nagbigay ito ng pakunswelo de bobong subsidyo tulad ng pagbaba diumano ng langis, ng bayad sa text at kuryente gayong patuloy ang pagtaas ng gasoline at iba pang bilihing hindi na maabot ng masa. Habang tumatabo ng gahiganteng tubo ang mga malalaking kompanyang dayhan, lalong nababaon sa kahirapan ang masa.

Ngunit tulad ng kasabihan,

”Ang tao. Ang bayan ay di natutulog

at hindi lahat ng araw, ang api ay api.

Tanang pag-aapi ay may pagtutuos,

habang may Bastiya;y may bayang gaganti. ”

Nakikiisa ang grupong Kilusang Dekada-Setenta (D70N)-o ang dating FQSN-USA, ang pangkat ng mga aktibista ng FQS sa Amerika pagsuporta sa sambayaang Pilipino na patuloy na lumalaban.

Kami na nasa D70N kasama ng sambayanang Pilipino ay hindi tutugot hangang di nalalansag ang pasistang paghahari ni GMA sa Pilipinas.

Kilusang Dekada 70

( Dating First Quarter Storm Network)

Hulyo 28, 2008 <\/p>\n","contact":"epcc_la@!hotmail.com","link":"","address":"337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026","phone":"213-241-0906","parent_id":0,"mime_type":"image\/jpeg","summary":"Katulad ng dati, walang pinag-iba ang State of the Nation Address o SONA ni Gloria Mcapagal-Arroyo sa iba pang sona na kanyang tinalumpati sa kanyang bihag na Kongreso. \r\n\r\nNagsimula sa \u201cbangkang papel\u201d noong 2001 nagwakas ito sa barkong lumubog na MV Princess ng Sulpico Lines nitong 2008, katulad ng kinasadlakan ng kawawang kalagayan ng bansang Pilipinas: lubog sa utang sa ibang bansa, lubog sa karalitaan, lubog sa pagdarahop, lubog sa pamimighati dahil sa pasistang karahasan ngunit patuloy na lumalaban ang masang Pilipino. \r\n\r\nWalang malilinlang na malawak sa masa ang palalong si GMA. Sa labas ng Kongreso, nagrali ang galit na mga mamamayan. Sa iba\u2019t ibang parte ng bansa, damang dama ang galit ng pagtutol. Bakit nga ba makikinig ang bayan sa paglulubid ng mga kasinungalingan?\r\n\r\n","numcomment":0,"fileurl":"\/uploads\/2008\/07\/totingaugust2007030.jpgurapdk.jpg","filesize":"123.2 kibibytes","article_url":"\/news\/2008\/07\/219151.php","image":{"original":"\/uploads\/2008\/07\/totingaugust2007030.jpgurapdk.jpg","small":"\/uploads\/2008\/07\/totingaugust2007030.jpgurapdk.jpgthumb.jpg","medium":"\/uploads\/2008\/07\/totingaugust2007030.jpgurapdk.jpgmid.jpg"}},"attachments":[],"comments":[]}