{"article":{"id":218685,"heading":"PANAGUTIN ANG  GOBYERNOng US-Arroyo, ,SULPICIO LINES AT DEL MONTE SA SAKUNANG PAGKALIKASAN","author":"Pesante-USA","created":"2008-07-02 23:02:37","modified":"2008-07-02 23:02:37","last_modified":"Thu, 03 Jul 2008 06:02:37","article":"
PANAGUTIN ANG GOBYERNO, SULPICIO LINE AT DEL MONTE SA SAKUNANG PAGKALIKASAN

Los Angeles --Mariing kinokondena ng Pesante-USA ang Gobyernong US-Arroyo, Sulpicio Lines at   Del Monte Philippines sa paggamit at pagbibiyahe ng mga nakakalasong nakamamatay na produktong pestisidyo na ibibiyahe sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines.

Hinahagkis ng Pesante ang Sulpicio Lines sa pagbibiyahe ng pestisidyong endosulfan. Nakikiisa kami sa grupong KALIKASAN na naghihinala ayon kay Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan-PNE, na matagal nang Gawain ito ng dalawang kompanya.

Ang Endosulfan ay isang nakakalasong kemikal na ibinabawalk sa maraming bansa maging ng Pilipinas. Dapat panagutin ang mga burkrata ng daalwang kompanya-ang Del monte at ang Sulpcio Lines sa kanilang kapabayaan.

Hindi dapat ikinarga sa isang pampasaherong barko ang mga mapanganib na kargamento. Dapat nilang panagutan ang epekto nito sa kalikasan at ang pang matagalang epekto nito sa karagatan at kabuhayan ng mamamayan.

Dapat ding panagutin ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard sa nangyaring malubhang kapabayaan at iresponsibilidad sa nangyaring sakuna at disgrasya sa kalikasan, ayon sa Pesante-USA. <\/p>\n","contact":"magsasakapil@hotmail.com","link":"","address":"337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026","phone":"213-241-0906","parent_id":0,"mime_type":"text\/plain","summary":"Los Angeles --Mariing kinokondena ng Pesante-USA Gobyernong US-Arroyo,. Silpicio lines at  ang Del Monte Philippines sa paggamit at pagbibiyahe ng mga nakakalasong nakamamatay na produktong pestisidyo na ibibiyahe sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines. Hinahagkis ng Pesante ang Sulpicio Lines sa pagbibiyahe ng pestisidyong endosulfan. Nakikiisa kami sa grupong KALIKASAN na naghihinala ayon kay Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan-PNE, na matagal nang Gawain ito ng dalawang kompanya.\r\n\r\n","numcomment":0,"fileurl":"\/uploads\/","filesize":null,"article_url":"\/news\/2008\/07\/218685.php"},"attachments":[],"comments":[]}