fix articles 311822, heneral esperon Los Angeles Indymedia : tag : heneral esperon

heneral esperon

Huwag nang buhayin pa ang bangkay - KMU (tags)

" Huwag nang buhayin pa ang bangkay." Ito ang pagsasalarawang sinabi ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa posisyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na buhayin ang Anti-Subversion Law bilang bahagi ng anti-insurgency campaign ng gobyerno. Inihayag kahapon ni PGMA ang pagsuporta niya sa plano ni Cong. Jose Solis na ibalik ang Anti-subversion Law na pinawalambisa noong 1992.

HINGGIL SA KOMISYONG MELO AT HALALAN SA 2007 (tags)

Panloloko sa bayan at panibagong inhustisya sa mga biktima ng paglabag sa mga karapatang tao ang kawalang lubos na liwanag tungkol sa nilalaman ng ulat ng Komisyong Melo. Pinapaugong ng Malakanyang na inaakusahan ng ulat ang militar at Heneral Palparan tungkol sa ilang pamamaslang. Kasabay nito, sinasabi rin nila na hindi lamang ang militar at pulis ang gumagawa ng mga krimen. Sa gayon, pinagtatakpan nila ang kriminal na pananagutan ni Gloria M. Arroyo at mga alipuris niyang militar at pulis sa higit ng 820 na pamamamaslang at higit na 200 pagdukot sa ilalim ng Oplan Bantay Laya I at II.

ARROYO AT MARCOS, PAREHONG PASISTA, PAHIRAP SA MASA-- PESANTE-USA (tags)

Ubod ng Walanghiya! Para sa Pesante-USA, ano pa bang salita ang higit na makakapaglarawan sa itsura ng rehimeng US-Arroyo sa mata ng sambayanang Pilipino dito sa Amerika at maging sa Pilipinas? Kung mamakapatay lamang ang mga salita at ang galit, matagal nang natunaw tulad ng asin ang rehimeng kinamumuhian ng mamamayan.

ignored tags synonyms top tags bottom tags