|
printable version
- js reader version
- view hidden posts
- tags and related articles
by PHILIPPINES STUDIES CENTER idVer:20642da99185
Thursday, Oct. 01, 2015 at 2:25 PM
Poem critical of neocolonial slogan "Daang Matuwid" of the Aquino regime guilty of numerous extrajudicial killings, the latest of which are Lumad popular figures.
BINALUKTOT NA TRAPIK SA "DAANG MATUWID"
ni E. San Juan, Jr.
Kailan lamang sapilitan tayong na-detour Ng walang-hiyang Yolandang ibinunyag ang bulok Na pamamalakad ng gobyernong buktot Nalubog sa putik ng kasinungali't korapsyon
Pabalik mula sa Tacloban ng mga Romualdez Naligaw tayo ng patayan sa Mamasapano, sinilip Kung saan idinuro ni Marwan si P'Noy nasipit Utos ng Kanong sa pandarambong di mailigpit
Di naharang nina Jennifer Laude't Veloso, biktima Ng patuloy na neokolonya't alipin ng dayuhang kapital Liku-likong landas ang tinahak ng berdugong Palparan Tinutugis ng multo nina Burgos Empeno't Cadapan
Hirap ituwid ang liku-likong daan nina Marcos & Macapagal Vigilante ni Cory mula Mendiola't masaker sa Ampatuan Daang madugo'y lumawig mula Davao Bukidnon hanggang Surigao del Sur ng Magahat-Bagani ng AFP, ng Alamar
Di maituwid ang tusong landas nina Monsod at Coloma Sisihin man ang NPA o Abu Sayyaf at libu-libong Lumad Dagdag na ang 280 biktima ng rehimeng P'noy, huwag kalimutan Ang pinaslang sa Hacienda Luisita--Ay naku, matinik na landas
Ang tatahakin ng U.S. imperyalismong sa krisis nahulog Habang tumatawid sa lupain ng Moro't Lumad, sinakop Ng korporasyong kasabwat ng mga oligarko't trapong Yumaman sa pagnanakaw--paano na ang hustisyang pangako?
Kung walang katuwiran sa "daang" binaluktot, imbi't taksil Ang hagkis na dahas ng gobyernong suwail Sa masang tuwirang bumabanat, naghihimagsik Upang tuwiring makamit kalayaa't kararinlang minimithi. -##
Report this post as:
|