TUMITINDI ANG BAKBAKAN NG NPA AT AFP SA AURORA

by PESANTE-USA Friday, Sep. 02, 2011 at 12:05 AM
magsasakakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Bvld. Los Angeles, CA 90026

Ibinalita ngayon ng PESANTE NEWS na nakabase sa Los Angeles na nakalap mula sa internet wires na umiigting na labanan sa pagitan ng mga New People?s Army (NPA) at ng mga tropa ng 48th IB Philippine Army sa probinsya ng Aurora, sa hilagang bahagi ng Central Luzon. Ayon sa PESANTE NEWS, isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga pwersa ng NPA Aurora at mga tropa ng 48th ?Cedula/Berdugo? Battalion sa kabundukan ng Brgy. Dikapinisan, San Luis, Aurora noong Agosto 23, 2011. Ito ay nagsimula ng ganap na alas-6:30 ng umaga. Naka-maniobra palayo ang yunit ng NPA pag-abot ng alas-7 ng umaga. Nagpatuloy ang walang direksyong pagpapaputok ng mga militar hanggang lampas tanghali nang magdatingan ang kanilang sumaklolong helicopter . Malaki ang pinsala ng mga sundalo ng 48th IB. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang mga impormante sa hanay mismo ng militar, pulisya, at marami pang mga sources ng kilusan, aabot ng 7 ang napatay na mga sundalo sa labanan, at 6 ang mga sugatan.

PESANTE NEWS

August 31, 2011

TUMITINDI ANG BAKBAKAN NG NPA AT AFP SA AURORA

Los Angeles—Ibinalita ngayon ng PESANTE NEWS na nakabase sa Los Angeles na nakalap mula sa internet wires na umiigting na labanan sa pagitan ng mga New People’s Army (NPA) at ng mga tropa ng 48th IB Philippine Army sa probinsya ng Aurora, sa hilagang bahagi ng Central Luzon.

Ayon sa PESANTE NEWS, isang engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga pwersa ng NPA Aurora at mga tropa ng 48th “Cedula/Berdugo” Battalion sa kabundukan ng Brgy. Dikapinisan, San Luis, Aurora noong Agosto 23, 2011.

Ito ay nagsimula ng ganap na alas-6:30 ng umaga. Naka-maniobra palayo ang yunit ng NPA pag-abot ng alas-7 ng umaga. Nagpatuloy ang walang direksyong pagpapaputok ng mga militar hanggang lampas tanghali nang magdatingan ang kanilang sumaklolong helicopter .

Malaki ang pinsala ng mga sundalo ng 48th IB. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang mga impormante sa hanay mismo ng militar, pulisya, at marami pang mga sources ng kilusan, aabot ng 7 ang napatay na mga sundalo sa labanan, at 6 ang mga sugatan.

Ilan sa mga patay at sugatang sundalo ay hinakot mula sa kabundukan ng Dikapinisan gamit ang helicopter. Sa takot na mabaril ng mga isnayper na NPA, pinagbabaril pa muna ng helicopter ang kabundukan at nagpasabog ng bomba kahit wala namang target. Ito ay para maisakay ang mga tinamaang sundalo at madala sa mga pagamutan. Ipinapaabot ng mga sources ng NPA na 7 ang patay na nakasakay sa helicopter na dumating ng PNP Provincial Headquarters sa Camp Ravina, ganap na alas-4:30 ng hapon noong Agosto 23.

Lima pang Labanan

Nagbibigay ito ng malaking inspirasyon at pag-asa sa mga mamamayan ng Aurora na magpursige sa pakikibaka laban sa malawakang pangangamkam ng lupa ng pamilyang Angara at ng gobyerno, lalo na ang proyektong APECO o Aurora Pacific Economic Zone.

Ang labanang ito ay pang-lima na sa loob ng 6 na linggo.

* Ang unang labanan ay noong Hulyo a-10 na naganap sa Brgy. Dierabasin, Dipaculao.

* Ang ikalawa ay noong Hulyo 11 nang paulanan ng bala ng isang yunit NPA ang detachment ng mga CAFGU sa Sitio Dimutol, Dianawan, Maria Aurora.

* Ang pangatlo at pang-apat ay ang harassment sa mga sundalong nang-agaw sa barangay hall ng Brgy. Diteki, at ang sumunod na pagkaka-ambush ng mga nag-reinforce na tropa na kinaroonan pa ng kanilang Battalion Commander na si Lt. Col. Kurt Decapia.

Sa lahat ng limang labanang ito, walang seryosong pinsala sa panig ng mga NPA. Isang sibilyan naman ang pinatay ng mga militar at pinapalabas na ito ay NPA matapos ang labanan sa Dierabasin. Dapat itong panagutan ng 48th IB.

Tinutukan din ng baril ang isang Balong Genes habang papunta sa kanyang ulingan noong Agosto 14 at pinalikas sa kanilang mga bahay ang mga nakatira sa sityo Sablang. Sa takot ng ilang sibilyan na pag-initan ng mga militar ay pakunwari silang umaayon sa mga sinasabi ng AFP, at sumasama pa nga sa ilang aktibidad nila. nakapasok ang mga pwersa ng rebolusyonaryong kilusan sa mismong mga kontra-rebolusyonaryong samahan na itinayo ng militar.

Muli, ayon sa PESANTE NEWS , binigo ng NPA ang mga pinakamalaking operasyon ng Oplan Bantay Laya mula 2005-2010 dahil sa suporta ng mamamayan. Higit na determinado ang NPA-Aurora na biguin ang Oplan Bayanihan ng AFP at lalong na palakasin ang paglaban ng mamamayan hanggang sa tagumpay ng rebolusyon. Pahayag ng NPA.

*******

Original: TUMITINDI ANG BAKBAKAN NG NPA AT AFP SA AURORA