NHUSTISYA PINAIIRAL NG KORTE SUPREMANG CORONA SA DESISYONG PABOR KAY WEBB

by PESANTE-USA Wednesday, Dec. 15, 2010 at 11:05 AM
magsasakakapil@hotmail.com 213-241-0995 128 Edgemont St

Tulad ng inaasahan, ngunit nakakabigla pa rin--ipinawalang-sala ng bulok na Korte Supremang Corona si Hubert Webb at ang mga kasamahan nitong napatunayan ng nakababang korte na may sala sa karumaldumal na krimeng masaker sa Pamilya Vizconde. Ipinaabot ng Pesante-USA na nakabase sa Amerika ang taus-pusong pakikiramay sa ama ng pamilyang Vizconde na si Lauro Vizconde na muling binigyan ng korona ng patay ng Korte Supremang Corona na sagad sa buto ang kawalang hustisya.

NHUSTISYA PINAIIRAL ...
al__s_12-7-09_pix_009-1.jpg, image/jpeg, 1600x1200

Pesante Buletin
Disyembre 14, 2010

INHUSTISYA PINAIIRAL NG KORTE SUPREMANG CORONA SA DESISYONG PABOR KAY WEBB

Los Angeles-- Tulad ng inaasahan, ngunit nakakabigla pa rin--ipinawalang-sala ng bulok na Korte Supremang Corona si Hubert Webb at ang mga kasamahan nitong napatunayan ng nakababang korte na may sala sa karumaldumal na krimeng masaker sa Pamilya Vizconde.

Ipinaabot ng Pesante-USA na nakabase sa Amerika ang taus-pusong pakikiramay sa ama ng pamilyang Vizconde na si Lauro Vizconde na muling binigyan ng korona ng patay ng Korte Supremang Corona na sagad sa buto ang kawalang hustisya.

Maitim ang Disyembre para sa masang Pilipino lalo na sa mga biktima ng karumladumal na krimen lalo sa ama ng pamilyang si Lauro Visconde.

Ilang Katanungan Dapat Sagutin ng KS

Nakiisa ang Pesante –USA kay G. Lauro Visconde sa kanyang mga tanong sa Korte Suprema:

1. Bakit ilang ulit na ipinagpaliban ang desisyon at bakit napakabilis ng proseso sa pagpapalaya sa mga akusado?

2. Kung talagang NBI agent si Jessica Alfaro tulad ng sinabi ng KS, bakit hindi sila makapagpakita ng mga dokumento hinggil dito?

3. Sino ngayon ang maghahanap sa mga tunay na salarin o kriminal ngayong pinalaya nila ang mga nahatulang akusado?

4. Bakit handa na ang ABS-CBN sa paginterview sa mga akusado sa Muntinglupa bago pa ilabas ang desisyon ng Korte Suprema?

Masa ang hahatol sa Korte Suprema

Nakikiisa rin ang Pesante –USA kay G. Lauro Visconde na sa huli ang masa ang hahatol sa Korte Suprema. Anuman ang pagtatakip ng Korte Supremang ito hindi sila makakaligtas sa paghatol ng mamamayan. Nagbibigay sila ng masamang ehemplo na maaring baligtarin ng nakatataas na hukuman ang hatol kahit ito ay tama para lamang itaguyod ang kanilang autoridad.

Nanangan lamang sila sa teknikalidad at hindi sa ebidensya,, pinawalang sala nito ang mga may kasalanan. Ito ay pagkaraan ng maraming taon ng pagpapatupad sana ng batas. Sino pa ngayon ang maniniwala sa kabalituanaan ng hustisyang ito?

Malas ang rehimeng Aquino sa pagkakaroon ng Korte Supremang ito. Sa halip na maging balwarteng ng katarungan, ito pa ang bumabaligtad sa kung ano ang katarungang para lamang sa isang bahagi ng naghaharing uri.

Patunay na walang maasahang katarungan sa ilalim ng kaayusang mapagsamantala at nakapanig sa mayayaman at laban sa mga mahihirap at inaapi.

******