|
printable version
- js reader version
- view hidden posts
- tags and related articles
by PESANTE-USA
Sunday, Aug. 22, 2010 at 11:57 AM
magsasakapil@hotmail.com 818-749-0272 337 Glendale Blvd. Los Angeles, Ca 90026
Para sa PESANTE-USA, ang grupong nagtataguyod nginteres ng mga magsasaka sa Amerika ,ang kaso ng Hacienda Luisita ay sumisimbolo sa malakolonyal at malapyudal na sistemang gumagapos sa bansa sa pagkaatrasado at walang katapusang krisis.
Ang Hacienda Luisita katulad ng mga malalaking asyenda sa Pilipinas at mga lupaing ari ng mga pamilyang asendero-kapitalista ay salaysay ng masidhing pagsasamantala at pang-aapi, maigting na makauring tunggalian atpakikibaka para sa matagal nang minimithing katarungang panlipunan.
Katulad ng Hacienda San Antonio-Santa Isabel sa Isabela,Hacienda Looc sa Batangas, Legarda , Prieto( may-ari ng Inquirer at may monoployo sa media) San Roque North Triangle at Tuazon Estates sa syudad ng Maynila mismo ay patunay ng walang lubay na maniobra at pakana ng angkang asendero pang mapanatili ng kanilang monopolyo sa asyenda at hadlangan ang pamamahagi nito sa mgamagsasaka, manggagawang bukid at maralitang taga-lunsod.
PESANTE BULETIN
Agosto 21, 2010
ILANTAD AT LABANAN ANG MONOPOLYONG AQUINO-COJUANCO SA LUPA.
Los Angeles—Para sa PESANTE-USA, ang grupong nagtataguyod nginteres ng mga magsasaka sa Amerika ,ang kaso ng Hacienda Luisita ay sumisimbolo sa malakolonyal at malapyudal na sistemang gumagapos sa bansa sa pagkaatrasado at walang katapusang krisis.
Ang Hacienda Luisita katulad ng mga malalaking asyenda sa Pilipinas at mga lupaing ari ng mga pamilyang asendero-kapitalista ay salaysay ng masidhing pagsasamantala at pang-aapi, maigting na makauring tunggalian atpakikibaka para sa matagal nang minimithing katarungang panlipunan.
Katulad ng Hacienda San Antonio-Santa Isabel sa Isabela,Hacienda Looc sa Batangas, Legarda , Prieto( may-ari ng Inquirer at may monoployo sa media) San Roque North Triangle at Tuazon Estates sa syudad ng Maynila mismo ay patunay ng walang lubay na maniobra at pakana ng angkang asendero pang mapanatili ng kanilang monopolyo sa asyenda at hadlangan ang pamamahagi nito sa mgamagsasaka, manggagawang bukid at maralitang taga-lunsod.
Sa deklarasyon ni Aquino III na "hustisya para sa masa hind ipara sa kanyang ama" ( na pinapatay ni Marcos noong 1983) walang maasahang reporma sa lupa. Lalo't hawak uli ng angkan ang Malacañang, malakas ang kanilang loob na gumawa ng gayong mga maniobra.
Tanong ng masa: Kung hindi mabigyan ni Cory at Noynoy ng katarungan ang pagpatay sa ama ( Ninoy Aquino noong 1983) paano pa kaya ang taumbayan? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi nila maipamigay ang lupa ng HL?
Maniobrang Cojuanco
Maliwanag ang sagot dito. Nito lamang nagdaang linggo, nagpakana ang mga Cojuangco ng huwad na "compromise agreement" na isinalaksak sa lalamunan ng mga magsasaka at manggagawang bukid gamit ang pwersa,panlilinlang, panunuhol at panghahati.
Pinalalabas sa huwad na kasunduan na sumasang-ayon ang mgamagsasaka at manggagawang bukid sa pagpapatuloy ng Stock Distribution Option(SDO) sa halip na pamamahagi ng lupa. Malinaw na ang layunin nito ay pangunahanang pagdinig ng Korte Suprema sa petisyon para pawalambisa ang temporary restraining order sa utos ng Presidential Agrarian Reform Council (PARC) noong 2005 na ipailalim na ang asyenda sa sapilitang pamamahagi.
Ang panunumbalik ng mga Cojuangco sa poder ay muling nagpapatampok sa pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa sa asyenda at sa paggamit ngkapangyarihan para supilin ang paglaban ng mga magsasaka at manggagawang bukid.
Ang pagtangging ipamahagi ang Hacienda Luisita ang pinakamalaking usapingnakaambang bumakbak sa balatkayo ni Aquino bilang tagapaghatid ng makabuluhang pagbabago. Ipinakikita ng nag-iibayong makauring tunggalian sa asyenda na ang kanyang paghahari ay walang pinagkaiba sa lahat ng nagdaang rehimeng pawangnagsilbi lamang sa interes ng malalaking asendero, kumprador at mga dayuhan.Inilalagay nitong muli sa atensyon ng buong bayan ang kaapihan at paghihirap ngmga magsasaka at manggagawang bukid sa Hacienda Luisita pati na sa marami pangasyenda sa buong bansa.
Makasaysayang Pagsasamantala
Mula nang itayo ang papet na republika noong 1946, pawang huwad at panlilinlangang mga programa sa reporma sa lupa na ipinatupad ng mga nagharing rehimen. Sahalip na malutas ang pyudal at malapyudal na pagsasamantala at pang-aapi sa mgamagsasaka, sumahol pa ito sa pagdaan ng mga dekada.
Lalong lumaki ang konsentrasyon ng lupa sa kamay ng mga luma at bagong panginoong maylupa at sa mga dayuhang imperyalistang korporasyon. Sangayon, mula sa mahigit na 500 pamilya noong 1970 may 200 pamilya na lang ang may monoployo sa lupa. Sa kabilang banda, lalong dumami ang mga magsasakang walang sariling lupa.
Sa harap ng nag-iibayong kahirapan at kagutuman ng mga magsasaka, patuloynilang ipinaglalaban ang tunay na reporma sa lupa sa lahat ng posiblenglarangan. Anumang pagsisikap ang gawin ng reaksyunaryong rehimen para sila'ylinlangin, patahimikin at supilin, walang tigil na tutuligsain at lalabanan ngmga magsasaka ang bogus na CARP, ang mapanlinlang na pagpapatuloy nito sa anyong CARPER, ang pakanang SDO at iba pang katulad na panloloko.
Batid ng masang magsasaka at mga manggagawang bukid na hindi basta bibitiwan ngpamilyang Cojuangco ang malawak na asyenda. Mula nang manahin ang asyenda samga kolonyalistang Espanyol at palawakin pa ito sa mga sumunod na dekada,nagpakasasa ang pamilyang Cojuangco sa pawis at dugo ng mga magsasaka atmanggagawang bukid.
Lalong walang balak ang mga Cojuangco na bitiwan ang asyendangayong bilyun-bilyong piso na ang kinikita nila sa operasyong komersyal at mala-industriyal tulad ng San Miguel, COCOFED abtp. Kinakamkam pa ni Cojuancoang mga lupa sa Isabela para pagbubungkal ng uling (coal ) at cassava kahit may monopolyo na sa asukal, bakahan atplantasyong goma sa Mindanao
Samantala, patuloy na ipinagkakait ang katarungangpanlipunan sa mga tagabungkal ng lupa at lumikha ng yaman ng mga Cojuangco.
Labanan ang Pydudalismo
Ang laban sa Hacienda Luisita ang sagisag ngayon ng pakikibaka para sa tunay nareporma sa lupa sa buong bansa. Nagiging sentro din ito ngayon ng paglaban sareaksyunaryong rehimeng Aquino.
Sa pagkatig ni Aquino sa mga Cojuangco sa mahigpit napagtutol nito sa reporma sa lupa, inilinaw na niya ang kanyang paninindiganlaban sa masang magsasaka at mga manggagawang bukid.
Dapat mahigpit na panghawakan at ibandila sa lahat ng sulok ng bansa ang labansa Hacienda Luisita. Pagsilbihin itong mitsa ng iba pang malalaking laban ng masangmagsasaka at di mamatay-matay na gatong sa nag-uumalab na kahilingan ng masangmagsasaka sa buong bansa para sa tunay na reporma sa lupa, anuman ang mgabalakid dito.
Kaalinsabay nito, patuloy na ibubwelo ang tunay na reporma sa lupa sa buong bansa. Tiyak namagkakamit ito ng malalaking tagumpay sa mga darating na panahon para sa lahat ng magsasakang Pilipino!
***********
**********
Report this post as:
|
Local News
GUIDE TO REBEL CITY LOS ANGELES AVAILABLE
A12 5:39PM
lausd whistle blower
A10 11:58PM
Website Upgrade
A10 3:02AM
Help KCET and UCLA identify 60s-70s Chicano images
A04 1:02PM
UCLA Luskin: Casting Youth Justice in a Different Light
A02 11:58AM
Change Links April 2018
A01 11:27AM
Nuclear Shutdown News March 2018
M31 6:57PM
Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018!
M29 7:00PM
Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018!
M29 6:38PM
Spring 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert!
M19 2:02PM
Anti-Eviction Mapping Project Shows Shocking Eviction Trends in L.A.
M16 5:40PM
Steve Mnuchin video at UCLA released
M15 12:34AM
Actress and Philanthropist Tanna Frederick Hosts Project Save Our Surf Beach Clean Ups
M06 12:10PM
After Being Told He's 'Full of Sh*t' at School Event, Mnuchin Demands UCLA Suppress Video
M02 11:44AM
Resolution of the Rent Strike in Boyle Heights
M01 6:28PM
What Big Brother Knows About You and What You Can Do About It
M01 3:30PM
Step Up As LAPD Chief Charlie Beck Steps Down
F14 2:44PM
Our House Grief Support Center Hosts 9th Annual Run For Hope, April 29
F13 12:51PM
Don’t let this LA County Probation Department overhaul proposal sit on the shelf
F13 11:04AM
Echo Park Residents Sue LA Over Controversial Development
F12 8:51AM
Former Signal Hill police officer pleads guilty in road-rage incident in Irvine
F09 10:25PM
Calif. Police Accused of 'Collusion' With Neo-Nazis After Release of Court Documents
F09 7:14PM
Center for the Study of Political Graphics exhibit on Police Abuse posters
F07 9:50AM
City Agrees to Settle Lawsuit Claiming Pasadena Police Officer Had His Sister Falsely Arre
F04 3:17PM
Professor's Study Highlights Health Risks of Urban Oil Drilling
F04 12:42PM
Claims paid involving Pasadena Police Department 2014 to present
F04 10:52AM
Pasadenans - get your license plate reader records from police
F03 11:11PM
LA Times Homicide Report
F03 1:57PM
More Local News...
Other/Breaking News
What does the Quran Say About Islamic Dress??
A21 4:15PM
Biodiversité ou la nature privatisée
A20 11:22AM
The Market is a Universal Totalitarian Religion
A20 7:14AM
Book Available about Hispanics and US Civil War by National Park Service
A19 5:52PM
The Shortwave Report 04/20/18 Listen Globally!
A19 4:01PM
The Republican 'Prolife' Party Is the Party of War, Execution, and Bear Cub Murder
A19 11:48AM
Neurogenèse involutive
A18 9:21AM
Paraphysique de la dictature étatique
A16 10:13AM
Book Review: "The New Bonapartists"
A16 3:45AM
The West Must Take the First Steps to Russia
A14 12:25PM
Théorie générale de la révolution ou hommage à feu Mikhaïl Bakounine
A14 3:30AM
The Shortwave Report 04/13/18 Listen Globally!
A12 3:50PM
“Lost in a Dream” Singing Competition Winner to Be Chosen on April 15 for ,000 Prize!
A12 3:48PM
The World Dependent on Central Banks
A12 4:43AM
Ohio Governor Race: Dennis Kucinich & Richard Cordray Run Against Mike DeWine
A11 9:40PM
March 2018 Honduras Coup Again Update
A10 10:52PM
Apologie du zadisme insurrectionnel
A10 3:33PM
ICE contract with license plate reader company
A10 1:14PM
Palimpseste sisyphéen
A09 11:23PM
Black Portraiture(S) IV: The Color of Silence...Cuba No...Cambridge Yes
A09 5:32AM
Prohibiting Micro-Second Betting on the Exchanges
A09 4:18AM
Prosecutors treat Muslims harsher than non-Muslims for the same crimes
A08 10:33PM
Amy Goodman interview on cell phone safety
A08 10:29PM
Mesa, Arizona police officer kills unarmed white man
A08 9:50PM
Israeli leaders should be prosecuted for war crimes
A08 9:48PM
Paraphysique de l'autorité
A08 12:11AM
Two Podcasts on fbi corruption
A06 10:13PM
Fbi assassins assault & try to kill DAVID ATKINS
A06 7:29PM
More Breaking News...
|