Tagumpay ng BHB sa Isabela, Ipinagbunyi ng Masang Magsasaka

by PESANTE-USA Thursday, Jul. 22, 2010 at 12:31 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, Ca 90026

Nabalitaan ng Pesante Buletin nitong Hulyo 21 mula sa Isabela na Lubos na ikinalulugod ng masa ng Timog Isabela ang pagkakaparusa o pagkamatay ng sa isang batikang mandarambong at pasistang nagpahirap sa masa ng Isabela sa mahabang panahon.

Pesante Buletin
Hulyo 21, 2010

Tagumpay ng BHB sa Isabela, Ipinagbunyi ng Masang Magsasaka

Los Angeles—Nabalitaan ng Pesante Buletin nitong Hulyo 21 mula sa Isabela na Lubos na ikinalulugod ng masa ng Timog Isabela ang pagkakaparusa o pagkamatay ng sa isang batikang mandarambong at pasistang nagpahirap sa masa ng Isabela sa mahabang panahon.

Napatay si Sr. Insp. Alfonso Derraco, hepe ng pulisya sa Benito Soliven, Isabela at malubhang nasugatan ang limang iba pa nang sila ay tambangan ng BHB sa Barangay Danipa ng naturang bayan sa isang ambus ng BHB noong Hulyo 16.

Ang dating sarhento ng konstabularya (PC) na ginawang PNP noong 1990, ay responsible sa pagpapahirap, pagpatay at pangaapi sa mga kasama sa BHB at sa mga masang magsasaka sa timog-Isabela mula pa noong panahon ng batas militar ng diktadurang Marcos..

Bukod sa mga pulis, kabilang sa malubhang nasugatan ang isang sarhentong kabilang sa Military Intelligence Battalion (MIB). Rumeresponde ang mga pulis sa naiulat na pagsunog ng BHB sa traktora ng isang despotikong panginoong maylupa sa Barangay Villa Luz nang sila ay tambangan.

Liban pa sa pagpaparusa kay Daraco ipinagbubunyi din ng masa ang mga tagumpay sa pagususlong ng tunay na reporma sa lupa, ang rebolusyong agraryo sa lambak ng Cagayan lalo na sa Isabela.